Kabanata 32:

1 1 0
                                    

Andi's POV:

Wala pang nakaka-alam sa relasyon na mayroon kami, kahit sa mga parents namin ay hindi nila alam.

It's my request from him and he agreed.

Ayaw ko kasing makakuha ng maraming atensyon lalong lalo na sa school.  At alam pa ng lahat na ang  magjowa talaga ay si shantal at Andrew. I don't want to shift their attention on me instantly.

Ngayon pa na masaya ang lahat sa relasyon ng dalawa. Magmumukha pa akong kontrabida. Kahit na gusto ko rin malaman ng lahat na ako ang mahal ni Andrew, at ipagsigawan sa mundo na ako ang girlfriend niya. Pero wala eh. Siguro sa tamang panahon malalaman rin ng lahat at hindi ako magkakaroon ng bashers.

Tapos na ang isang semester na walang nakaka-alam sa aming relasyon. Palagi kaming sabay na pumapasok at hinihintay niya ako palagi kapag may practice ako.

It is our routine, kapag naman may free time kaming dalawa magde-date kami sa private restaurant o kaya naman ay sa rooftop ng aming bahay. 

Masaya ako tuwing kasama ko siya. Especially knowing the fact that he's my first love and first boyfriend I am full of adoration for him.

***

Third year na ako next year at napakabilis na lumipas ang mga araw. And this is going to be my last year for being a varsity player.

Hindi na kasi ako pwede kapag graduating, masyado na akong magiging busy sa academics lalo na at in my last semester I will be having my practice teaching. I will be deployed in public school for my on the job training.

At dahil bakasyon, nandito ako ngayon sa Starlight cafe para tumulong kay Kuya Arjo busy na kasi siya kay ate Kresha at sa pamangkin ko.

Hindi ko pa sila nadadalaw dahil naging busy rin ako. Si mommy naman ay palaging bumibisita kay baby Arshen ang pinaka-cute kong pamangkin. Si Dad naman ay abala sa kanyang business. Kapag nagkaroon ako ng time ay bibisitahin ko rin siya.

Nasa counter ako ngayon, hindi rin karamihan ang customers dahil walang pasok.

Habang si Emery naman ay walang sawang nakikipag-kwentuhan kay Kurt. Halatang kinikilig, may palagay-lagay pa ng buhok sa likod ng tenga. Tssss..., ganyan ba talaga siya? Ako naman hindi ganyan kapag kasama ko si Andrew.

Hala... Ano ba yan.. bakit bigla ko na naman siya naisip. kainis, masyado na yata ako naadik sa kanya.

" Hoooyyy...kanina ka pa tulala dyan." Gulat sa akin ni Ems hindi ki namalayan na kaharap ko na pala siya.

"Makagulat ka naman, ka-meeting ko yung sarili ko tapos bigla kang susulpot." Angal ko sa kanya.

" Wow ahh.. bago yan ma-try nga rin" she looked at me and chuckled.

"Bago? Eh mukhang ikaw nga ang may bagong ikukwento sa akin eh." Sabay sulyap ko kay Kurt "Anong score niyong dalawa?"

"A-anong score ang pinagsasabi mo?" Nauutal niyang sabi.

Napatitig naman ako sa kanya at napangisi.

"Ano? .. wag kang ma-showbiz huh?" Pagdedeny niya.

" Bakit kasing pula ng kamatis yang mukha mo?" Natatawang sabi ko. "Halata naman na mag something kayong dalawa ni
Kurt"

"A-ehh---"

"Wag ka ng sumagot. Halata naman sa istsura mo. I confirmed it by myself" pang-aasar ko.

"Kaasar ka, bahala ka dyan!" Natatawa naman akong napatingin sa kanya. 

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon