Kabanata 10:

4 2 0
                                    

Andrew's P.O.V. :



Tinext ko na lang si Shantal na uuwi na ako, dahil hindi pa tapos ang exams niya.
Hindi ko na siya nahintay dahil mukhang uulan na at malayo pa ang uuwian namin ni Andi. Alas syete na rin ng gabi kaya tumuloy na kaming dalawa.



Parking lot.

Pumasok na ako sa driver's seat, at si Andi naman ay sumakay na rin.

"Bakit sa likod ka sumakay? Ano ako driver mo." Pagtataka ko.

" Ayy, sorry naman akala ko bawal ako sa harap." Sagot naman niya.

Tsaka naman siya lumipat sa tabi ko.

"Bakit naman bawal?" tanong ko.

"Baka kasi pang GF lang dyan sa harap ma-issue pa ako."


"Hindi yan, tara na nga." Sabi ko.

Nang papasok na kami sa kanto papunta sa amin ay biglang lumakas ang buhos ng ulan, kaya naman huminto muna kami dahil hindi na makita ang dadaanan  delikado ito  para sa aming dalawa.

Biglang kumidlat at kulog ng malakas.

"Ahhhh!!!!" Sigaw ni Andi.

Yumuko siya at tinakpan niya ang kanyang mga tenga.

"Kidlat at kulog lang yan  takot ka na.. hahaha" Sabi ko pero di pa rin siya umaayos ng upo niya." Hey! Andi ? Andi. Andi" tawag ko.

Niyakap ko siya dahil nakita ko sa kanya ang takot.

" Okay ka lang ba?" Tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot.

Nakayuko pa rin siya at nanginginig. Kaya naman hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

" Andi tumingin ka sa akin, tumingin ka." Unti -unti naman siya tumingin sa akin at namumula na ang kanyang mga mata ang labi niya ay nanginginig na rin . " I'm here hindi kita iiwan ..promise." Totoong sabi ko sa kanya.

Nang biglang kumulog ulit ay niyakap niya ako ng mahigpit, yung yakap na hindi niya talaga ako mabibitawan. Hinaplos ko naman ang buhok niya upang maramdaman niya na nandito lang  talaga ako para sa kanya. Nang natapos na ang ulan ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Umayos siya sa kanyang pagkaka-upo at nakatanaw lang sa bintana.


Tahimik kaming dalawa tanging naririrnig ko lamang ay ang maliliit na patak ng ulan.

After 10 minutes ay bigla siyang nagsalita.

"Pasensya ka na, ganito lang talaga ako tuwing kumukulog at kidlat. Sinusubukan kong labanan yung takot ko pero wala eh, ganito pa rin ako."


"Bakit ganyan na lang ang takot mo?" Tanong ko.

"Noong grade school kasi ako, Nagkaroon kami ng camping at naiwan ako sa camping  site, ang lakas ng ulan noon, mag-isa lang ako at di nila ako agad nakita. Napakalakas ng ulan at kumukulog ng malakas at kidlat." Mahabang kwento niya.

Ako naman ay nakikinig lamang sa kanya. At nagpatuloy naman siya sa pagkwento.

" Mabuti na lamang at may isang batang lalaking tumulong sa akin. I was 9 then, sinamahan niya ako sa paghihintay na balikan ako. Sayang nga at hindi ko natanong ang pangalan niya. Kaya simula noon hanggang ngayon takot pa rin ako, sinusubukan ko naman labanan kaso wala eh takot pa rin ako ."

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon