Kabanata 4:

10 6 0
                                    

Andi’s P.O.V:

Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng magka-sprain ang kanang paa ko, hindi naman ganoon kagrabe ang nangyari sa paa ko, nakakalakad na rin ako pero pilay-pilay nga lang. Kaya naman hindi ako makalabas ng bahay at abala lang ako sa panonood ng tv , cellphone, laptop at kung anu-ano pa para libangin ang sarili ko.

Wala silang lahat dito sa bahay, mag-isa lang ako, iniwanan na lang nila ako ng pagkain, at ang tanging kasama ko lang ay si sugar (furr baby).

Ngayon kasi ang opening ng coffee shop ni kuya sa Lipa at umattend si mom and dad. Wala rin si manang dahil day off niya.

Ayaw ko naman sumama dahil magiging abala lang ako sa kanila panigurado kasi busy ang lahat.

Mag aalas tres na ng hapon , at walang magawa nandito lang ako sa sala  at nanunood ng movie. A Walk to Remember..  Masyado kasi akong adik sa works ni Nicholas Sparks, I already read the book but I'm still watching the movie tinitingnan ko kung may pinag kaiba ito sa book.

Maya maya ay may biglang nagdoorbell..

*Ding….dong….

*Ding….dong…

*Ding…. Dong…

Sandali lang!” sigaw ko.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagdoor bell.

-Hindi man lang makapaghintay.. tss-

Nangalay kasi ang paa ko sa pagkakaupo at isabay pang  may sprain ako, kaya naman ang bagal kong maglakad. ,May 3 minutes na sigurong nagdo-door bell.  Kung sino ka man bahala ka sa buhay mo kung hindi ka makapag-hintay.

Nang binuksan ko na ang pintuan bumungad si Andrew na may ngiting abot taenga. Habang ako naman ay blangko lang ang ekspresyon,  na naka-hawak pa rin sa door knob, sumasakit kasi ang paa ko.

Bakit? Maka-doorbell ka naman akala mo may emrgency sabi  ko.

Uhmm.. g-good afternoon, pinapabigay pala ni mommy meryenda,iIbinilin ka kasi ni ninang na samahan kita, mag-isa ka lang daw kasi” Paliwanag naman nito.

“Pasok ka.” Alok ko naman sa kanya.

Nang makapasok na siya ay naglakad ito papunta sa may sofa at umupo habang ako naman ay pipilay-pilay na naglalakad.

“ Ano yang dala mo?” Tanong ko habang papalapit sa may sofa.

“Meryenda nga.” Sarkastiko nitong sagot.

-Umayos ka ng sagot mo bibigwasan kita-

“ Anong meryenda?” Naiinis ko ng tanong.

uhhmm, cheese cake.” sagot naman nito.

-D’yan tayo magkakasundo Andrew hehehe-

Iniabot naman niya sa akin yung box ng cheese cake, ang awkward ng sitwasyon kasi hindi ko alam kong paano siya kakausapin.

“Wait lang huh, dyan ka lang iaayos ko lang itong dala mo sa kusina.”

“ Tulungan na kita” tumayo ito na akmang tutulungan ako.

“Hindi na, manood ka na lang dyan” Sabi ko. Nagpupumilit ito pero hindi rin siya nanalo sa akin.

Pipilay-pilay akong naglakad papuntang kusina para  e-slice yung cake then magtitimpla na rin ako ng juice.

Nasa bandang itaas ng cabinet yung  mga baso at hindi naman sa pandak ako sadyang nasa pinakadulo kaya nahihirapan akong abutin ito, kaya naman kumuha ako ng matutuntungan.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon