Kabanata 3:

13 6 0
                                    




Limwell Andrew’s POV:




Hi guys! Nice meeting you all, I’m Limwell Andrew Versoza.


Alas tres na ng hapon nang niyaya ako ni mommy na bumisita sa bahay nila Ninang Anjeanette, hindi sana ako sasama pero sabi niya ipapakilala daw niya ako sa anak nito, para daw kapag nagtransfer daw yung anak niya ay may kasama daw ito, hindi daw kasi pala kaibigan ito.

-Hmmm, baka introvert or nerd  or aswang hahaha-

Nasa tapat na kami ng bahay nila ninang at hinihintay na pagbuksan kami. Kumatok naman si mommy, at ilang segundo lang lumipas at pinagbuksan  naman kami agad. Bumungad naman ang magandang ngiti ni ninang.

“Good afternoon po ninang!” Masayang bati ko.

“Pasok kayo” Alok naman nito.

Ilang beses na akong nakakapasok sa bahay nila ninang pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda ng bahay nila. Pagpasok pa lang makikita na ang naggagandahang furnitures, sa gitna ay may kulay black na mahabang sofa at dalawang single sofas at may glass table sa gitna, at sa harap naman nito ay may malaking flat screen t.v. kulay puti ang pintura ng walls na bumagay sa sofa at sa kabuuan ng bahay. 

Umupo muna kayo, tatawagin ko lang si Andi”  Masayang sabi nito.

“Salamat” Sagot naman ni mommy.

Umakyat na nga sa taas si Ninang at kumakatok sa isang kwarto, pagbaba ni Ninang ay medyo nakasimangot ito dahil wala daw sa kwarto niya ang kanyang anak.

Haysstt… saan kaya nagpunta ang batang iyon?” Inis naman na sabi nito.

“ Ohh, bakit ka nakasimangot may problema ba Anj.?” Pagtatakang tanong naman ni Mommy.

“Ahh ano kasi--, pasensya na wala kasi si Andi sa kwarto niya baka lumabas, babalik din siguro yun maya maya.” Nahihiyang paliwanag ni ninang.

Naghanda naman si ninang ng meryenda, mayroong cinnamon rolls at juice. Kumuha ako ng isa at ininom ang juice.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako sa bahay nila Ninang at naglilibot –libot, hindi  din kasi ako makarelate sa pinagkukwentuhan nila mommy eh. Pero napaisip ako kung sino itong si Andi? Sa pangalan pa lang niya , babae ba siya o lalaki?, siguro lalaki iyon, hindi naman kasi nababanggit sa akin ni  mommy ang tungkol sa kanya ang alam ko lang Andi ang pangalan niya.

Ang ganda ng farm nila ninang maayos at maaliwalas sa paningin, ang dami nilang alagang mga hayop at iba’t ibang pananim na prutas at gulay. Pakiramdam ko tuloy  pumasok ako sa  larong farmville.

Habang ako naman ay nalilibang na naglalakad at gandang ganda sa paligid,  may nakita akong isang babae na nakatalikod,  na may mahabang buhok na umaakyat sa puno ng mangga. Hindi ko makita ang kanyang mukha.

Hindi naman kataasan ang puno, Mayroon itong isang bunga na pilit na inaabot ng babae. At maswerte siya dahil may bunga hindi pa kasi season ng mangga.

Naka-jogging pants siya na itim at puting t-shirt at sa tingin ko pa lang dito ay nahihirapan na itong abutin ang bunga.
Hanggang sa hindi ko namalayang nakalapit na  pala ako sa kinaruruonan niya.

“Excuse me?” Sabi ko.


BOOOOOOOOGGGGGSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!

At sa sobrang gulat niya ay nadulas ito at nahulog sa may damuhan. Mabuti na lang at hindi naman sobrang taas  ang inakyat niya.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon