Kabanata 7:

5 2 0
                                    



Andi's P.O.V. :



Nakakapanibago walang nangungulit sa akin, at wala din nang-aasar sa akin. But honestly miss ko na si Andrew, yung bestfriend ko. Monday ngayon at ang aga niyang umalis.

Architecture pala ang course ni Andrew  it’s now his third year on his course. Sabi niya hindi daw madali ang architecture ang daming mga ginagawa dapat sa paggawa ng plans lahat accurate. Nag architecture siya dahil iyon ang gusto ng papa niya and he has no other choice but to follow his father’s command. But according to him he has doubts on his course, masyado daw siyang nahihirapan, pero kinakaya naman niya because it is his father’s dream.

9:00 A.M. Nang naisipan kong pumunta sa bahay nila Andrew. Naabutan ko siTita na   nakaupo sa terrace ng bahay nila.

"Good morning po Tita." Pagbati ko.

"Good morning din Andi, napadalaw ka?" Tanong niya sa akin.

"Nakaalis na po ba si Andrew?"  Tanong ko.

" Ahh.. Oo maaga ang klase niya. First day of class, Halika ka kumain ka muna ng Crossant, gawa ko yan." Nakangiting alok naman niya.

" Salamat po." Umupo naman ako sa tabi niya.

Maganda ang bahay nila Andrew, sa Terrace may tatlong rattan chairs at rattan table, madami ding halaman na bumagay sa kabuuan ng terrace nila. Kapag pumasok naman sa loob ang paint ng walls ay pastel pink. Favorite color ni tita. Bale ang kwarto lang ni Andrew ang naiba ang kulay. Pati mga kitchen tools ay may halong pastel pink din .

Sabi nga ni Andrew para na daw siyang nakatira sa doll house.

"Bakit mo pala siya hinahanap?" Curioous na tanong naman ni Tita.

"Itatanong ko lang po sa kanya kung ano pong documents ang kailangan kapag transferee." Sagot ko.

"Maaga kasi talaga siyang umaalis kapag may pasok, alam mo na may kalayuan ang bayan natin sa Wins U ( Winston University) at umiiwas din siya sa traffic."

" I see. Sa susunod ko na lang po siguro itatanong, Next sem.  pa naman po ako papasok."

" Busy ka ba ngayon?" Tanong naman ni tita.

" Hindi naman po. Bakit po?"

" Gusto mo samahan mo ako magbake?" Excited na tanong naman ni tita.

" Sige po. Gusto ko po yan. " Sabi ko ng excited.

Naging busy kami ni tita sa pagbake. Masaya siyang ka-bonding and according to her sana nagkaroon din daw siya ng anak na babae. Kaya ganoon na lang siya kasaya na kasama ako.

" Ang saya mo namang kasama, nakaka-tuwa ka." Sabi ni tita sa akin, habang nilalagay ang cupcake sa oven.

"Bakit po si Shantal po ba hindi dinadala ni Andrew dito?" Tanong ko.

Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha ni tita ng nabanggit ko si Shantal.

"I never met the girl, hindi kasi sinasama ni Andrew dito." Paliwanag ni tita.

Nanahimik na lang ako dahil ayaw ko ng mang-usisa pa dahil ako rin ay hindi ko pa siya nakikilala.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon