Andrew’s P.O.V.:
12:00 a.m.
Hatinggabi na ngunit hindi pa rin ako makatulog, nakatitig lang ako sa kisame. Nakipag-kwentuhan lang ako sandali kay Shantal sa phone at hanggang ngayon hindi pa rin ako dianadapuan ng antok.
Habang nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame ay bigla ko na lang naalala ang kakulitan ni Andi.
Nang gabing kasama ko si Andy narealize ko na ang swerte ko dahil mayroon akong kaibigan na katulad niya, mabait at jolly. Its my first time to have a girl bestfriend like her yung super close.
Ang dami naming napagkwentuhan ng gabing iyon, 2 months na rin kaming magkaibigan at mabilis namin nakuha ang loob ng isa’t isa. Dahil rin siguro magbestfriend ang mga mommy namin kaya naging komportable kaming dalawa.
-Flashback-
“Andy , sa lunes may pasok na ako, hindi ka ba mag-eenroll?” Tanong ko habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
Tuwing bumibisita ako sa kanila, palagi ko siyang naabutan na nakahiga sa damuhan at nakatingin lamang siya sa kalangitan.
Ang kwento niya kapag nakatingin siya sa mga bituin ay gumagaan ang pakiramdam niya kapag may problema. Pagdating ng 5:30 ng hapon tumitingala na siya sa langit dahil paniniwala niya na ang unang star na makita mo sa langit ay dapat mag-wish, dahil maari itong matupad. Turo daw ito ng kanyang lolo.
“Hindi muna. I decided to take a break sa August na lang.” Sagot naman nito habang nakalingon sa akin.
“Ganun, sayang naman yung panahon.” Sabi ko.
“Ang hirap kasi mag-adjust para sa akin, 2 years akong nawala dito sa Batangas, tapos ang daming nagbago, kaya I need to rest for now, and pumayag din naman si daddy.” Nakangiting sagot naman nito at muling tumanaw sa kalangitan.
“Okay, so madalang na tayong magkita niyan, syempre busy na ako sa mga school works ko.”
“Wow, big word school works talaga,” bumangon ito at umayos ng pagkakaupo “ Eh ..ang tanong nag-aaral ka ba ng mabuti, Balita ko kay tita, puro girls ang hinahanap mo sa school eh. ” sabi niyang natatawa, habang ako ay nakahiga pa rin at ginawang unan ang aking dalawang kamay.
" Nag-aaral ako, Syempre I have a reputation to maintain." Confident ko namang sagot. “Grabe talaga si mommy, sinabi niya pa sayo yun.” Pinapahiya talaga ako ni mommy.
“ Yes, you heard it, at wala ka ng maitatago sa akin.” hHumiga ulit siya sa aking tabi, 2 feet ang layo namin sa isa’t isa.
Bigla itong natahimik.
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Sampung segundo rin itong tahimik kaya nagsalita na ako. Siguro may dumaang anghel.
“Pero seryuso Andi hindi ka talaga mag-eenroll?” Pangungulit kong tanong sa kanya.
“Oo nga ang kulit.., mabilis lang panahon hindi mo yan mamamalayan, Bakit hindi na ba tayo magkikita?”
“Hindi naman sa ganun, pero mamimiss kita” Sabay sulyap ko sa kanya.
Napatitig naman ako kay Andi habang siya ay nakapikit. Sa totoo lang maganda talaga siya. Matangos ang ilong, maputi, mapupungay na mga mata, mapula ang kanyang pisngi, at manipis ang kanyang labi.
-Oo mamimiss ko talaga ang kakulitan niya.-
Umiwas naman ako ng tingin ng dumilat siya.
“Grabe ka naman kuya Andrew, ano ako ka LDR Mo? ” She chuckled.
-Tsss.. kahit kailan talaga to pinagtatawanan ako.. haiyysstttt….-
“Maka kuya ka diyan eh mas matanda lang naman ako sayo ng dalawang taon.” Sumimangot naman ako dito.
“Hala…nag super-sayan 2 agad.. ang pikon mo talaga kahit kailan tsaka 2 years kailangan dapat kagalang-galang.” Lingon nito sa akin.
“ Baliw ka talaga kahit kailan.”
"Hindi ako baliw, sinasapian lang minsan." Sagot naman niya.
-Baliw talaga tong babaeng 'to-
Ipinikit ko na lang ang aking mata hanggang sa hindi ko na lang namalayan at nakatulog na pala ako.
-End of Flashback-
Pero bakit ganun parang hindi man lang maramdaman ni Andi na mamimiss ko talaga siya, sa dalawang buwan na summer vacation halos siya palagi ang kasama ko.
Or ako lang talaga ang nag-ooverthink. Masyado ka nang naglalaro sa utak ko Andi.
Sa kaka-isip ko ay hindi ko na namalayang na nakatulog na pala ako .
***
Thank you!
Take Care friend 🙂
All rights reserved. Friendzone/Lovezone
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Novela JuvenilKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...