Andi's POV :
" 1,2,3 smile "
I am so happy for Emery and Kurt, I witnessed how their love story bloom. From enemies to lovers and now here they are.
Naiiyak ako habang pinagmamasdan si Emery, she's dazzling in her gown. Napakaganda niya ngayon at kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"Girl this is it.. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito." Naiiyak niyang sabi sa akin.
"Huwag kang iiyak, masisira ang make-up mo!" Sabi ko sa kanya na naiiyak rin.
"Ikaw kasi eh..." Sabay tingala naming dalawa para mapigilan ang pagluha.
Tumawa lang kaming dalawa.
The motif of the wedding is mixed of beach and garden wedding. The center aisle has rose petals, and full of lavender and white flowers.
After kong puntahan si Emery ay bumalik na ako sa villa para maayusan na rin ako.
Kaming mga sponsors ay nakalavender gown rin.
I am wearing a simple lavender silk gown that has a long slit, kaya naman sa bawat hakbang ko ay makikita ang right leg ko, medyo fitted sa bandang taas at ang string ng gown ay manipis lamang, kaya naman mas nadepina ang kurba ng katawan ko.
May make- up artist and hair stylist na nag-ayos sa akin, inayos nila ang curtain bangs ko, and they made my hair into mermaid curls at nilagyan din nila ako ng flower crown.
"Oh my Gosh, you look stunning, para kang anghel na bumaba sa lupa." Sabi sa akin ng make-up artist.
Napangiti naman ako sa complement niya.
Pagkalabas ko ng villa ay nag-aabang pala sa akin si Liam. He's now wearing his suit na siyang bumagay sa kanya, kung hindi ko lang alam ang tunay na pagkatao niya ay masasabi kong magugustuhan ko na rin siya.
Sinalubong ko siya at niyakap.
Habang yakap ko siya ay natanaw ko si Andrew na nakatingin sa aming dalawa. Nag- iigting ang kanyang panga.
"Akala ko hindi ka makakarating." Sabi ko at kumalas sa yakap niya at naglakad na kami papuntang Function hall kung saan gaganapin ang kasal ng dalawa.
Magkalapit lang pala ang villa namin ni Andrew kaya nakita niya kaming dalawa ni Liam, pero ngayong papalapit na kami sa kanya ay parang dinadaga ang puso ko sa sobrang kaba.
Nilapit niya ang mukha sa tenga ko at may binulong.
"Pahiram ako ng gown mo after this wedding ahh."
Napahampas naman ako sa braso niya at natawa.
"Baka gusto mong ipakilala na kita sa mundo. " Sabi ko sa kanya.
Nilampasan namin si Andrew na ngayon ay nakatalikod na at nakatanaw na sa dagat, alam kong narinig niya ang mga sinasabi ko.
"Sige ba. Handa ka na ba?" Sagot naman niya sa akin.
Nang makalampas kami kay Andrew ay para akong nabunutan ng tinik.
Mamayang 3:00 pa ang start ng kasal kaya naman may time pa para makapag- usap kami.
"Tatag mo beshie ahh, hindi mo talaga pinansin ang ex mo, baka kung anong isipin no'n at masuntok na naman ako, hindi kakayanin ng beauty ko."
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Fiksi RemajaKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...