Kabanata 15:

3 4 0
                                    


Andi's POV:


"Who's with you Babe?"

Naramdaman kong umupo siya  sa tabi ni Andrew. Ako naman ay hindi pa rin nagtataas ng tingin dahil abala ako sa pagkain ng rice at adobo.

Pag-angat ko ng aking tingin nakita ko si...

"You!!!"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa nakita ko si Victoria Secret girl.

"Ikaw s-si Shantal" Nauutal kong sabi.

"Do you know each other?" Naguguluhang tanong ni Andrew sa aming dalawa, nagliilipat tingin siya sa amin.

"Hindi ko talaga siya makakalimutan, Eh siya lang naman ang tumulak sa akin kanina, What are you doing here?" Taas kilay niyang sabi .

"Siya  si Andi iyong bestfriend kong kinukwento ko sayo remember?"

"What?? Oh my Gosh, So you're Andrea." Maarteng sabi ni Shantal.

Tumango lang ako dahil sa gulat.

"I'm so sorry for what happened earlier, totoo hindi ko sinsadyang naitulak ka kanina, may tumulak kasi sa likuran ko."  Pagso-sorry ko. "I hope we can have a brand new start". Pagpapakumbaba kong sabi.

Nakita ko naman siyang nag-roll ng eyes sa akin. At ng lumingon siya kay Andrew ay nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Na animoy isang tutang napaka-amo.

"No worries Andrea, wala na yun!" Sabay hawak niya sa braso ni Andrew.  Pero hindi siya makatingin ng deretso sa akin.

-I know that style, Kaplastikan-

"So ikaw pala yun Andi, Naka-tadhana siguro kayong magkakilala ni Shantal." Masayang sabi ni Andrew. "Shantal si Andrea, Andrea si Shantal Girlfriend ko."

Naglahad naman ng kamay si Shantal kaya inabot ko naman ito agad. Wala pang dalawang segundo ay binitawan na niya ang kamay ko.

Matabang naman akong ngumiti sa kanya.

Hindi ko na inubos ang pagkain ko at tumayo na ako para magpaalam.

"Excuse me, may gagawin pa pala ko." Paalam ko.


" Hindi mo pa naubos yang pagkain mo ahh"   Si Andrew.

-Isturbo lang ako sa lunch date niyo.-

"Busog na ako. Enjoy your lunch " Sabi ko at tumalikod na at naglakad palabas ng food court.

Hindi ko inaasahan na siya pala si Shantal, Kaya pala Shanty ang tawag ni Emery sa kanya.

Unang tingin ko pa lang sa kanya, mukhang mainit na ang dugo niya sa akin. Kung papaano niya ako tingnan, punong-puno ng insulto.  Then she's rolling her eyes when she's talking to me. I'm not numb para hindi maramdaman lahat ng iyon.

Naalala ko na naman si Lexi, kung gaano kasama ang tingin niya sa akin, kung paano niya ako ipinahiya sa harap ng madaming tao, at kung paano niya ako pinagmukhang kabit sa lahat, pero ang totoo wala akong kasalanan.

Kaya siguro ngayon hirap na hirap akong maghanap ng girl-bestfriend, hindi ko maibigay ang totoong tiwala ko dahil sa mga nangyari sa akin noong high school ako. Kahit si Emery hindi ako makapag-open sa kanya, kay Andrew lang ako nakakapagkwento.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon