Kabanata 53:

2 0 0
                                    


A/N : Hello everyone this is the last chapter of this story. Thank you so much for the endless support, I am not gonna make this story this far without you guys...

Thank you so much....

Andi's POV:

Pagkauwi ko ng bahay ay sinalubong agad ako nila Mommy at Daddy.

"Anak., Namiss ka namin" Si mommy.

"Welcome home My Princess" si Dad.

"Daddy naman eh, hindi na po ako bata." Sabi ko at binigyan sila ng mahigpit na yakap.

"Anong?? Ikaw lang ang nag-iisang prinsesa ko." Sabay tawa niya.

Natawa na lamang ako at niyakap silang dalawa.

We ate our lunch and catch up for awhile.

This is really home, kahit anong alis at pag-iwas ko sa problema noon, sila pa rin pala ang makakaintindi sa akin, itong lugar na ito pa rin pala ang nag-iisang lugar na tanggap ang lahat sa akin.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko sila Mommy at Manang sa pagliligpit. Si Dad naman ay bumalik sa farm dahil may aayusin pa raw.

"Anak magpahinga ka muna, kami na ang bahala rito."

"Ayos lang mommy, hindi po ako pagod. Pasensya na po kung nag-stay pa ako sa resort ng ilang araw" sabi ko habang nagpupunaa ng mga plato.

"Nagkausap ba kayo ni Andrew?"

Tumango lamang ako bilang sagot. At nawala ang ngiti sa aking mga labi.

"Alam ko na ang lahat ng nangyari anak, Nasabi sa akin noon ng Tita mo. Alam ko nasaktan ka pero hindi mo na ba mabibigyan ng second chance si Andrew? Nakita ko kung paano siya nadurog noong nawala ka anak, halos araw araw siyang nandito nagmamaka-awang alamin kung nasaan ka. Kahit umuulan ayaw magpatinag. Sorry ng sorry sa amin. " Si Mommy na ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon.

"Anak napakabuting anak ni Andrew, kahit na alam niyang masasaktan ka sinunod pa rin niya ang daddy niya dahil wala siyang ibang choice. Gulong-gulo ang utak niya naipit lamang siya sa sitwasyon  dahil may sakit ang mommy niya kaya naging sunod-sunuran siya sa Daddy niya."

Nanalaki ang mata ko sa sinabi ni mommy.

Napalingon ako sa may bintana kung saan nakatirik ang bahay nila.

"Kumusta po si Tita mommy?, Siguro mamaya pupunta ako sa bahay nila para bumisita."

Napayuko siya at umiling.

" W-wala na ang Tita mo anak, she passed away last year."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig, hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi ni Mommy.

"B-bakit hindi niyo po sinabi sa akin? "

"Paano ko sasabihin sa iyo. Halos ayaw mong makarinig ng balita tungkol kay Andrew o kahit na sino, Lumayo ka anak at niintindihan ko naman iyon dahil nasaktan ka.  And I respect that."

"Mom iba naman po iyon. Si Tita iyon eh. Labas po siya sa paghihiwalay namin ni Andrew" 

Hindi ko na napigilan at napatulo na ang aking mga luha.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon