Andrew's POV:
Nakangiti akong sumakay sa sasakyan ko. Kumpleto na ang araw ko dahil nakita ko ang babaeng mahal na mahal ko.
Habang pinagmamasdan ko siya kanina sa loob ng coffee shop, para akong nakakita ng anghel.
Sa bawat paggalaw niya ay sumusunod ang kanyang tuwid na buhok. Kapag ngumingiti siya lumiliit ang kanyang mga mata. I always admire her cute side. She's so innocent and happy on what she's doing.
***
Ngayon ay uuwi na ako, dahil nasabi niya rin naman na ihahatid siya ng kanyang kuya. Naging kampante na rin ako, ayaw na ayaw ko kasi siyang sumasakay ng bus dahil masyado kasing delikado. Lalo na at marami ring tambay sa may terminal.
Nag-summer class ako kaya naman palagi rin akong nasa Wins U. Mas nakakapagod pala kapag summer class dahil mas matagal ang class hours. Pakiramdam ko tuloy napipiga ang utak ko, It's so stressful.
Paalis na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
📞 Mr. Versoza calling.......
📞.........
📞.........
Nakakatatlong ring na pero hindi ko pa rin sinasagot. Sa tuwing tumatawag si Dad kakaibang kaba ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko isa akong tuta na kailangan maging sunod-sunuran sa amo. Bawat galaw ko dapat alam niya. Madalas, ang pakiramdam ko hindi na anak ang turing niya sa akin. Kundi isang tauhan na kailangang sumunod sa bawat utos niya.
Nag-alangan pa akong sagutin ito.
"H-hello po Dad?"
"Makakailang ring pa ba bago mo sagutin ang tawag ko?" Bungad niya sa kabilang linya.
Si Dad kasi iyong tipo ng tao na hindi pwedeng paghintayin.
"P-pasensya na po nagda-drive po kasi ako ."
"Go to my office now, may kailangan tayong pag-usapan. Don't be late." Then he hanged up.
Hindi man lang niya ako kinumusta. Kung ano ang pakay niya iyon lang ang sasabihin niya. Kaya siguro ganito ang kaba na nararamdaman ko dahil tumatawag lamang siya kapag may kailangan sa akin o kaya naman ay may nagawa akong kasalanan.
Hanggang kailan ba ako magiging sunod-sunuran sa kanya?
Minsan gusto ko na lang sumaway pero wala eh, siya ang nagpapa-aral sa akin.
Noon idolong-idolo ko siya pero habang tumatanda ako at nakakasunod na sa takbo ng mundong kinakagalawan niya, mas naiintindihan ko na ngayon si Mommy.
Pagkapasok ko pa lamang sa kompanya niya ay iba na ang awra na nararamdaman ko. Pakiramdam ko hindi ako welcome. I feel like I am in a cage with a lion. I need to fight for my life to survive.
Pagkapasok ko sa opisina ni Dad ay nakaupo ito sa sofa. He glance at me and point the chair on his front.
Walang sali-salita ay may ipinatong siyang envelope sa lamesa.
I opened it and I'm suprised.
Hindi ko alam pero parang may punyal na bumara sa lalamunan ko.
- Pinapa-imbestigahan niya ang bawat galaw ko?-
Ang mga larawan ay kuha namin ni Andi sa Park kanina lamang.
"May bago kaming project ni Mr. Cruzada. At ayaw ko sana maka-apekto ito sa kompanya ko Limwell." Umayos si Dad sa kanyang pagkaka-upo at inilagay ang ballpen na hawak niya sa bulsa ng kanyang coat.
BINABASA MO ANG
Friendzone or Lovezone (Completed) _University Series_
Fiksi RemajaKapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano ba ang pipiliin mo? kung sa huli ay mawawala din pareho sayo. Pipiliin mo bang lumayo, masaktan, madurog o magparaya na lamang para sa ikakabuti ng lahat . Tunghayan natin ang kwe...