Kabanata 49:

5 0 0
                                    

Andi's POV:

Am I really ready to go home?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, Umalis ako ng Pilipinas para makalimot. At oo, nakatulong nga ang pag-alis ko.

Naka- Move on na ako, sigurado ako.

Pero ngayon na nasa private resort na ako na pagmamay-ari nila Kurt, pakiramdam ko bumabalik lahat ng alaala. Normal lang naman ito eh.

Nostalgic.

Pagkababa ko ng bangka ay sumalubong agad sa akin si Emery at Kurt.

"Oh My Gosh!!! Ikaw na ba yan girl?, Halos hindi kita makilala. Mas lalo kang gumanda"

"Wala ka pa rin pagbabago." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. "Bolera ka pa rin" sabay tawa ko.

"Seriously, napakaganda mo kaya, I love your new look, New Andi. Para ka na ring Koreana." Dagdag pa ni Ems.  "At anong score ninyong dalawa ni Liam huh? May pa caption pang 'My purple heart belongs to you'" Sabay hawak pa niya sa kanyang dibdib.

" Baliw, we're just good friends."

" How are you Andrea? We missed you so much, Ilang taon na rin tayo hindi nagkita. Three years?" Si Kurt habang naka-akbay kay Emery.

"Yeah, three years and I'm good now. " Tipid kong ngiti.

"Good to hear that?, Let's go?" Anyaya niya.

Mas lalo pang gumanda ang resort at nadagdagan ang mga cottages.  Mayroon na ring Function Hall kung saan gaganapin ang kasal nila.

Today is just Friday at sa linggo pa ang mismong kasal, kaya naman may panahon pa ako para makapag-libot at relax dito.

Kaming tatlo ay nag-lunch muna, wala pa rin kasi ang mga ibang bisita na dadalo sa kasal, ang iba ay bukas pa darating o kaya naman ay sa mismong araw na.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid muna ako ng dalawa sa magiging villa ko, alam din kasi nilang pagod ako galing sa byahe, so they let me rest for today.

Pagkapasok ko ng kwarto ay tumawag muna ako sa parents ko na narito na ako sa resort. Hindi na kasi ako dumiretso sa bahay dahil, magkukulang ako sa oras kapag doon pa ako tutuloy, pagkatapos ng kasal ay tsaka na ako uuwi.

Sunod ko namang tinwagan si Liam, sabi niya bukas pa ng hapon siya makakarating dito at may tinatapos pa siyang paper works at dumaan pa sa pamilya niya.

Natulog na lang muna ako sa villa, at bukas na lamang mag-iikot sa resort, medyo napagod rin ako at wala pa rin akong tulog.

----

Nagising ako ng 8:00 ng gabi. Mukhang napahimbing ako ng tulog at hindi ko na namalayan pa ang oras.

Naligo muna ako and I choose to wear my white stringed above the knee dress and partnered it with my sandals.

Kinuha ko na rin ang rounded rattan  sling bag para mailagay ang phone at wallet ko.

Pagkalabas ko ng villa ay umihip ang malakas na hangin, dinig rin ang hampas ng  tubig galing sa dalampasigan.

May mga turista rin na narito, karamihan ay foreigners. Sabi ni Kurt binuksan na raw ito para sa mga turista at para na rin may pumapasok na pera.

Well he's really a business-minded, comes from the blood.

Naglakad- lakad ako para humanap ng pwedeng pagkainan.

Medyo maingay rin sa paligid, may nagpa-fire dance, bonfire at mayroon ding banda na tumutugtog.

Friendzone or Lovezone (Completed)  _University Series_ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon