Prologo

18K 157 38
                                        

Stare

"Hindi naman bagay sa'yo pero sinusuot mo pa rin?!" sigaw ni Simon.

Napatingin ako sa kakabili ko lang na heels sa bayan. Kinagat ko ang labi ko para hindi mapaiyak dahil sa sigaw niya.

"Ilang beses ba dapat sasabihin sa'yo na hindi bagay sa'yo 'yan? At ano? Gusto mong magmukhang mahaba 'yang hita mo para makapang-akit ng lalaki?! Sabihin mo nga, Hardin!"

Umiling ako at lalong yumuko. Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. Ilang beses ko na rin kasing gustong ipaliwanag sa kaniya na nagsusuot ako ng ganito dahil gusto ko at hindi dahil sa mga lalaki.

I just wanted to feel good about myself. Nakita kong bagay sa'kin at natutuwa akong suutin ito pero hindi ibig sabihin no'n na gusto ko nang magpapansin!

Sabi ko na nga ba, hindi na dapat ako nagpakitang suut-suot ko ito ngayong susunduin ko siya dito sa trabaho niya. Akala ko lang kasi... maiintindihan na niya. Wala pa kasi akong uniform kaya ayos lang na naka-civillian pa lang. Sinuot ko lang ito ngayon dahil feeling ko bagay sa outfit ko.

Dito kasi siya nagtatrabaho sa mga Monforte bilang driver. Sinusundo ko siya palagi kapag wala akong pasok o kaya maaga kaming pinapalabas. Gusto niyang lagi kaming magkasama lalo na 'pag pauwi siya para raw alam niya kung saan ako nagla-lagi. Kaya ngayon, hinintay ko ang out niya.

Alam ko namang pagod siya kaya ganito ang asal niya ngayon sa'kin, pero pagod din naman ako dahil maghapon ang klase... pero hindi naman ako kahit kailan naging ganito ang asta sa kaniya.

"M-Maikli lang naman ang takong nito-"

"Oo at sumasabay ka sa uso! Mina-market mo ba 'yang hita mo, ha?! Hindi ka na ba masaya sa'kin?!"

Napatingin ako sa kaniya. Pawis na pawis siya at maitim na ang ilalim ng mata dahil sa puyat at pagod. Kitang-kita ko rin ang panggagalaiti sa mukha niya habang pinipigilan ang sariling saktan ako.

"Bakit mo ba sinasabi 'yan, Simon? Alam mo namang hindi ko pinapansin ang mga nanliligaw sa'kin sa school."

"At kailangan ko pang magpasalamat na hindi ka lumalandi sa kanila, Hardin? Kailangan ko pa bang bigyan ka ng premyo dahil diyan?!"

Napalunok ako dahil pakiramdam ko sasaktan na niya ako. Buti na lang at mayroong dumaang sasakyan sa village kaya medyo kumalma siya.

"Hindi, Simon! S-Sinuot ko lang talaga dahil-"

Nagmura siya at nagkamot ng ulo. Umalis kaagad siya sa harapan ko... hindi man lang gustong marinig kung ano'ng sasabihin ko.

Sino nga bang makikinig sa paliwanag ng isang taong ilang beses ng napagsabihan pero ginagawa pa rin ang gusto niya?

Napatingin ako sa kaniyang likuran. Naglalakad na siya palabas ng village pero hindi ko pa rin siya magawang sundan. Pakiramdam ko, kailangan ko pang maghintay ng ilang segundo para hindi ako makalapit sa kaniya.

Ayaw ko lang masigawan ulit.

Pagod din naman kasi ako. Ayaw ko lang talaga siyang sabayan ngayon sa galit niya dahil kasalanan ko rin naman.

Nang magsimula akong maglakad, naisip kong baka itago ko na lang muna ito at suotin na lang sa mismong graduation ko. Baka doon, hindi na niya ako pagalitan dahil importanteng okasyon naman at minsan lang sa buhay. O baka, kung gugustuhin ko talagang suutin, baka isusuot ko lang kapag alam kong hindi niya makikita.

Hindi naman sa hindi ako nakikinig... minsan lang, gusto kong maging masaya.

Marami kasi siyang ayaw. Ayaw niyang nagme-makeup ako kahit gustung-gusto kong nakaayos. Ayaw niya ring nakasuot ako ng pang-sexy kahit na ako... confident naman akong magpakita ng balat. Hindi rin niya gustong kumakanta ako dahil hindi raw niya gusto ang mga artist na pinakikinggan ko. Kaya ito, kahit na gusto kong mag-download ng mga kanta, hindi ko magawa dahil siya naman ang bumili ng cellphone ko.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon