Conquered
Tanghali na kami nakapag-almusal. Napapikit ako habang dinadama ang kaniyang katawan sa'kin. I still can't believe that he's beside me. Ni hindi ko na ito pinangarap pagkatapos ng unos. Pero... nandito na ako ngayon.
Pagkatapos kasi naming gawin 'yon, ni hindi pa rin namin gustong gumalaw. Bukod sa pagod ako, hindi ko lang talaga gustong tumayo. I feel fine here. I feel safe. And oh my god, how I wish that I'll experience this everyday... for the rest of my life.
Kapag nangyari 'yon, saka ko lang masasabing na-enjoy ko ang buhay.
I sighed and looked at the clock. It's passed twelve and I'm not even hungry. Sa totoo lang, parang kaya ko talagang isang buong araw na nakadikit lang sa kaniya.
"Let's eat," he whispered in my ear after hours of lying in bed.
Gusto kong mag-protesta dahil tamad na tamad na akong gumalaw. I hugged him tight when he declared that we need to get out of bed. Pero... kinalas ko din agad. I don't wanna be clingy. Napanguso ako habang nakatingin sa kaniyang sinusubukan ring umalis ng kama.
He chuckled and pinched my nose. "Baby, don't be like this. I'm trying my best."
His hair looked so soft even if it was disheveled. His eyes were still so drunk with me.
Lalo akong napanguso. "Do you feel it too?"
Humagalpak siya ng tawa. Sa sobrang pagkatuwa niya ay bumagsak muli ang kaniyang katawan sa kama para lang tumawa doon. His abs moved aggressively on his stomach. Shit. Nag-init ang pisngi ko dahil pakiramdam ko... patay na patay ako sa kaniya!
Baka gano'n na ang iniisip niya? Hindi 'no!
"Of course, baby but we need to eat. Nalipasan na tayo." sabi niya habang bakas pa rin sa mukha ang pagkatuwa.
I sighed and went out of bed. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi kailangan ko pang sabihin 'yon? Ni hindi ko kayang magpigil!
Nakangisi siya habang tinitingnan ako. He bit his lower lip. "My baby is still craving for me," he said in his sweet voice.
Nalukot ang mukha ko. Inaasar niya ba ako? Sa sobrang pagkahiya ay hindi ko tinanggap ang kamay niya bagkus ay tinabig ko 'yon. Tumawa lang siya at umupo na rin para makakain na.
Iyon halos ang ginawa namin sa araw-araw. We will always stay in bed after waking up. Tinatanong ko siya kung wala ba siyang trabaho pero sinasabi niyang pwede naman siyang sa laptop na lang sumagot ng emails. Pinagsabihan ko rin siya na magpa-checkup kahit na unti-unti namang gumaling ang pasa at sugat niya. The truth is, I'm so nervous about him. Na baka mamaya may problema pala pero hindi namin naipagamot.
For all the days that we're together, I am so happy. I've never felt so alive. O siguro... ngayon ko na lang ulit naramdaman. Na... dapat pala hindi ka basta lang na nabubuhay. Dapat... nabubuhay ka ng masaya.
Not that my life is evolving around him. I know I am complete. But whenever I am with him, I feel like my whole being is celebrating. I'm always excited to wake up and look at him. I'm always looking forward to our breakfast, lunch, and dinner together. I'm always happy to be with him.
Hindi ko na inisip kung ano ang sinabi sa akin ni Mrs. Monforte. I don't want my happiness to be taken away. I stand by my word. Hindi ako aalis, kung ako naman ang gusto at mahal ni Flame.
"Yes, we're leaving." sagot ni Flame sa kaniyang cellphone isang araw.
I sighed and looked at my dress. Nandoon kaya si Mrs. Monforte sa bahay ni Pierce? I should look presentable. Kahit alam kong hindi naman na niya ako magugustuhan, gusto kong maayos pa rin niya akong makikita.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
