Kabanata 4

732 7 1
                                    

Without Me

Bumuntong hininga ako at tiningnan ang text niya bago ako nag-isip ng ire-reply.

Seryoso pala talaga si Flame sa sinabi niya? Dami naman niyang time.

Ako:

Opo. Maraming salamat po ulit, Sir.

Nilapag ko na ang cellphone ko sa tabi ko dahil hindi ko naman ine-expect na magrereply pa siya. Nakaupo lang ako ngayon sa labas ng bahay. Ayoko pa talagang pumasok dahil pakiramdam ko napapaso ako. Napabuntong hininga ako nang makarinig ulit ng tawanan.

Napatingin ako sa phone ko. Kumunot ang noo ko nang mag-vibrate iyon dahil sa reply niya.

Sir Flame:

I already told you, drop the 'sir'.

Umirap ako. Ito pa rin ba ang issue niya? Ano naman kasi ngayon kung tinatawag ko siyang gano'n? Hindi ba halos lahat naman ng tao ay gano'n ang tawag sa kanila?

They were the Monfortes. Hindi basta-basta ang family name na 'yon. They're all standing tall today because of their multiple businesses. Hindi ko nga lang alam ang mga 'yon dahil hindi ako naging interesado sa buhay nila. I just know that they are business magnates. Kaya namangha ako na ang mommy pala ni Flame at Pierce ay isang teacher.

Hindi ko alam ang isasagot. Ano bang tamang sagot kapag ganito ang reply sa'yo ng isang boss?

Well, I know that I'm not his employee but I have to respect him for Simon not to have a bad reputation. We are connected, kung anumang gawin ko ay baka malaking epekto para kay Simon. And obviously, I don't want him to lose his dear job.

Ako:

Sige po.

Ayokong makipagtalo. Iyon lang naman ang gusto niya at paniguradong 'yong pag-uusap namin kanina, first and last na.

Napatingin ako sa nagdidilim na na langit. That encounter was really weird for me. Noon pa man, hindi na ako nakikipagusap o nakikipagkaibigan sa mga lalaki. I'm not saying that I'm assuming that we're now friends. Hindi gano'n. In general, I don't talk to guys this intimate. It was always Simon for me. Not because he doesn't want me to, but that is my personal decision. I never intended to sit with someone and just talk about anything... and literally, under the sun.

Weird sa'kin na nakayanan kong makipag-usap ng ilang oras sa kaniya. Ni hindi naman kami magkaibigan. We never talked before. I just knew him as Simon's boss and he just knew me as Simon's obedient girlfriend.

He's a complete stranger... but a big-time human being.

Wala ba siyang trabaho kanina na nagawa niyang sayangin ang oras niya sa'kin?

Sir Flame:

Simon will be working tomorrow with Pierce. His schedule is with me now. Just in case you'll need it.

Ako:

Salamat po. Nakauwi na po siya ngayon kaya pwede ko naman po siyang tanungin. Pasensya na po sa abala.

Napabuntong hininga ako at tiningnan ang likuran ko. Hindi pa rin sila tapos hanggang ngayon sa pakikipag-usap. Gabi na. Hindi ko alam kung makakausap ko pa si Simon nito gayong sasabihin na naman niya na pagod na siya at kailangan nang matulog.

Na naiintindihan ko naman.

Sir Flame:

It's okay. For compensation. Nagtagal ka sa bahay dahil hindi ko nasabi agad.

Napangiti ako. I remembered all of the cheesecakes I've eaten. Busog na busog pa rin ako ngayon kahit ilang oras na. Hindi pa nga ako nakakapag-hapunan ngayon pero pakiramdam ko hindi ko na kailangan.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon