Kabanata 43

682 9 0
                                    

I'll take it

Nag-iwas ako ng tingin nang makapasok ako sa sasakyan. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa sobrang daming nararamdaman. I didn't know that it was possible. To feel a lot of things with just one person. But then again... he's the only one who can make me feel this way. Inakala ko noong umalis ako, na kaya rin 'yon ng iba. But then, I was just found disappointed.

Kayang-kaya niya 'yon. Kaya niyang mag-isa. Kaya hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon... hindi pa rin ako makapaniwala.

With my trembling hands, inayos ko na ang seatbelt ko. I saw him watch me as I secure it. Natagalan kasi dahil sa panginginig ng kamay ko. Akala ba niya hindi ko sinusubukang kumalma?

"Are you okay?" tanong niya na hindi nakatulong sa nararamdaman ko.

Tumango ako agad. "Yes."

Nagtagal ang titig niya sa'kin pero hindi na ako humarap. I tried to calm myself down so I could breathe properly.

"Do you... feel it too?" he whispered.

Napapikit ako. Tumaas ang balahibo ko dahil doon. Lalong lumala ang damdamin na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin ako lumingon at hinayaan siyang nagtatanong. After a few moments, he started the engine and go on in the driveway... silently.

Hindi ko gustong sumagot. As if it was a poison to even talk about it. A curse. Masyado nang matagal para ungkatin 'yon. Matagal kong sinubukang kalimutan at iwan ang parteng 'yon. Kaya ngayon na tinatanong niya ako... hindi ko maintindihan kung bakit ganito kadaling umusbong ulit!

Nang makarating kami sa kaniyang penthouse. Hindi ko na naisip ang alin pang bagay. I tried. I am just in a hurry to mend his wounds. Pakiramdam ko kasi, baka may kung ano nang mangyari sa kaniya kung hindi 'yon magamot agad. And after that, I will just return to my work and pack my things. Pagkatapos... well, aalis na ulit ako?

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa likuran ni Flame. Wala pa akong plano. At hindi ko rin alam kung kaya kong gamutin siya o kakailanganin pa ng doktor pero susubukan ko.

"Make yourself at home... again." bulong niya nang mabuksan niya na ang pinto.

I didn't look at him. But his words made me tremble again. Sinikap ko pa ring hindi siya tingnan. Although, he's looking at me. Tinitingnan kung ano ba ang reaksyon ko sa mga nangyayari.

I entered. Pero akala ko lang, wala akong reaksyon sa lahat. Akala ko pwede na akong artista. Akala ko lang, kaya kong ipagsa-walang bahala ang mga sinasabi niya. Until I saw his penthouse... like it was just... three years ago. Dahil... walang nagbago.

The color of it is still the same. Naghuhumiyaw na lalaki ang nakatira. The furnitures were placed in the same area. Pinilig ko ang ulo ko para alalahanin kung mayroon bang nabago. Pero kahit na anong pilit ko, ito at ito pa rin talaga ang naiwan ko.

Tatlong hakbang, hindi na ako nakahakbang ulit. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at pigilin ko man, lalo lang rumagasa ang lahat ng ala-ala at lahat ng damdamin.

I saw him watch me. Gustung-gusto ko siyang layuan para hindi niya na ako matitigan. But then, I am in awe to even move. To even say anything. I am just... in awe.

I cleared my throat. Napakurap-kurap ako bago bumaling sa kaniya.

"Do you have any first aid? A-Ako na ang kukuha."

Umiling siya. "No. You rest. I'll get it."

Nanliit agad ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ako pa talaga ang pinapag-pahinga niya, samantalang siya itong duguan?

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon