Introduce
I tried to feel my chest. I wanted to feel something about his insults. I want to feel pain. I was supposed to feel the pain but... I just couldn't.
Noong unang beses na sinabihan niya ako noon. Na walang kwenta. Masyadong masakit na halos hindi ako makagalaw, maka-function. Mahirap tanggapin. I was so lost that time that I couldn't even think straight. Mahirap gumalaw lalo na't galing sa taong mahal mo ang insulto.
But now, seeing him as he spits those words, I am annoyed but... I am not in pain.
And actually, I just wanted to remove myself in this situation. Na para bang kapag umalis ako at bumalik na kay Flame, makakalimutan ko rin na nangyari ito.
"Pinangakuan ka niya? Bakit? Sino ka ba para pangakuan ng isang Monforte? Isang babaeng walang pinag-aralan at pamilya. Ni ako nga na matagal nang trabahador nila at pinagkakatiwalaan, ni hindi ako napangakuan ng bahay!"
Humagalpak siya ng tawa. I saw how yellow his teeth were. Malayung-malayo sa hitsura niya noon. The side of his eyes creased.
His laugh was not genuine, though but... it's a laugh of a monster for sure.
Tiningnan ko si Glenda na ngayon ay malungkot lang na nakatingin kay Simon. I though she will calm her down just like what she does before. Pero ngayon, parang hinang-hina lang siyang nakatingin sa boyfriend niya. Her eyes were sad and her body looks like it's going to break. Ilang linggo lang kaming hindi nagkita.
"Am I supposed to be hurt by that?" mahinang sagot ko. "Kung hindi pala siya totoo sa'kin, why does it concern you so much? Hindi ba't 'yon naman ang gusto mong maranasna ko? Ang masaktan?" I smiled. "And you had those discussions shared with Glenda. Na minsan, gusto mo na lang akong mamatay... o patayin."
Nalaglag ang panga niya. Natapos agad ang tawa niya dahil sa sinabi ko. He looked shock because of my answer. Siguro ay hindi niya inaasahan na halos wala akong pakialam sa mga sinabi niya. Na ganito ako ka-kalmado kahit na gaano pa kasakit ang mga sinabi niya.
"Ah..." mabagal niyang sabi at tumango pa. "Ganiyan ka na pala ngayon inuuto ng lalaking 'yon? Is it hard, though, na sa kaniya ka naman sunud-sunuran ngayon na kaya mong tiisin lahat ng mga sinasabi ko."
I scoffed. "Hindi ako sunud-sunuran sa kaniya-"
"Really? Parang hindi naman ganoon ang nakikita ko."
"You don't know me, Simon."
Nanlaki ang mga mata niya. Pagkaraan ng ilang segundo ay nagbalik agad ang ngisi sa mukha niya at tinuro ako.
"Ikaw?!" tumawa siya. "Ikaw? Hindi ko kilala? I know you so well, Hardin. You were my slave. You were my useless slave. Sunud-sunuran ka lang sa'kin dahil mahal na mahal mo ako!"
Bumuntong hininga ako at humalukipkip ulit. Hindi na gustong sagutin pa ang mga sinasabi niya.
"At ano 'tong nakikita ko ngayon?" putol niya. "Anong pinakain sa'yo ng lalaking 'yon na kayang-kaya mo nang magsuot ngayon ng ganiyang klaseng damit?! Hirap na hirap ka bang suwayin siya na pupunta ka ditong labas ang kaluluwa mo-"
"H'wag na h'wag mo siyang igagaya sa'yo!" sigaw ko.
Natanggal ang pagkaka-halukipkip ko dahil doon. As soon as I heard him talking about Flame again, I felt my blood boil immediately. How can he accuse that of him? Ni hindi niya kilala 'yong tao! Hindi siya kasama sa relasyon naming dalawa, pero nagagawa niyang mang-akusa ng ganito?!
He stopped talking but my shout makes him more angrier. And why is that? Hindi ba't ito naman ang gusto nilang dalawa?
"As far as I can remember, you made me do this! Kayo ang dahilan kung bakit nasa poder niya ako ngayon. I can very well remember your promise, Glenda! At ano bang nangyayari ngayon? Hindi ba't wala naman? Because you all made me a fool of following your orders even if it will cost everything to me! Ni wala man lang nagtanong! Ni wala man lang nag-alala!"
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
