Scared
"I was just doing what ladies wants these days. Makipag-usap hanggang ala una, para lalo kang ma-inlove sa'kin."
Indeed, we slept late. Marami kaming napag-usapan kahit na araw-araw naman kaming magkasama. We were in cloud nine. I didn't know that he can be sweet. I am not complaining, though. Ramdam na ramdam kong tumatagos ang tawa namin sa screen. At kahit na ilang hakbang lang naman ang layo naming dalawa, pakiramdam ko... namimiss ko siya talaga.
And hell, I tried to hard to stick my ass on the bed. Pinigilan kong humakbang palabas at katukin siya sa kaniyang kwarto para lang mayakap siya at mahalikan pa ulit.
He's lucky I can control myself. Dahil kung hindi, nabugbog siya ng halik.
Pagkagising ko, nakahanda na agad ang almusal. His parents were on the table smiling at me. Kahit na medyo seryoso si Mr. Monforte sa akin kagabi, nakita kong nginitian na niya ako ngayong umaga. Sabay kaming bumaba ni Flame kaya medyo nahiya ako. He's sporting a white shirt and a black shorts. Basa pa ang buhok niya at mukhang kakaligo lang.
His parents doesn't seem to mind, though... that he's this clingy. Kaya lang... ako talaga ang nahihiya.
Buti na lang pala ay nagising pa rin ako ng maaga kahit late na kaming natulog. Mabuti na rin na bago ako lumabas, nakaligo na ako at nakaayos. Nakakahiya sa mga magulang niya.
Pag-upo pa lang namin, kitang-kita ko na na parang may gusto na silang marinig. His Mom looks at me and raised her brows. Ang Daddy naman niya ay nakatingin sa anak at nakataas ang gilid ng labi.
"How's your sleep, hija? Did you sleep well?"
Napalunok ako at ngumiti. "Okay naman po. Salamat po."
That was so formal. Pero kahit na anong gawin ko kasi, hiyang-hiya talaga ako. And even though, I feel his mother trying to warm me up... hindi ko pa rin talaga kayang magpaka-komportable.
"Hindi pala kami nakapagpaalam na dito kami matutulog ni Hardin. We were tired so... we didn't bother to go home."
Natigil sa pag-inom ng tubig si Mr. Monforte. "Home? Do you live together, son?"
Napatingin tuloy ako ngayon kay Flame. I bit my lower lip. I don't remember us telling them our situation. Ang alam ko lang ay nagkwentuhan sila kagabi. Kaya ngayon... part two siguro ng meet the parents.
Mas malala nga lang.
"Didn't I mention that last night?" a hint of a smile was etched on Flame's lips.
Narinig ko ang singhap ni Mrs. Monforte. Napalunok siya at bumaling sa kaniyang asawa. Si Mr. Monforte naman ay walang reaksyon, hinawakan niya lang ang kamay ni Mrs. Monforte at nagpatuloy na sa pagkain.
"We live together, Mom. Dalawang buwan na."
His mom tried to nod normally. Pero kahit na pilitin niya, kita ko pa rin ang kislap at gulat sa mga mata niya. Maging ang paghiwa niya sa bacon, halatang nagulat talaga siya doon.
"Buti na lang pala naipalinis ko, anak, ang kwarto mo bago ka dumating. Nakakahiya kay Hardin." ngiti niya sa'kin.
I bit my lower lip once again. Nagsimula akong laruin ang tinidor ko kahit na ayos lang naman ang sinabi niya. But then, I feel uneasy.
May iba ba silang iniisip? Bakit sila mahihiya kung sakaling madumi ang kwarto ni Flame? E, hindi naman ako doon natulog kagabi. And hell, I won't! Kahit pa naipakilala niya akong girlfriend niya kagabi, hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko na hahayaan kong magkatabi kaming matulog!
"Uhm, Ma'am, sa... guest room po ako natulog kagabi."
This time, nabitawan na ni Mrs. Monforte ang tinidor na hawak niya. Nakaawang ang labi niyang nakatingin sa'kin. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
