Kabanata 2

8.8K 108 21
                                        

Isn't Here

"Hardin?" tawag niya. "Am I right? Hardin, 'di ba?"

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kaniya. I didn't realize that I was so caught up. Hindi ko na napansing nakabukas pa pala ang bibig ko!

He smirked when he saw my reaction. Napalunok ako.

"M-Malapit na lang naman po, Sir Flame. Kaya ko na pong lakarin."

"What's the point of it, though? Doon din naman ako pupunta."

Napatingin ako sa daanan. Malayo pa ng kaunti pero kaya ko pa nga'ng lakarin. Medyo mainit lang at wala akong payong na dala pero kaya ko pa. Nakakahiya kung makikisakay pa ako.

Iiling na sana ako nang mapatigil ako sa sinabi niya.

"Hmm. Let me guess. Ayaw na naman ng boyfriend mo na may kasama kang iba?"

Napabaling agad ako sa kaniya. Nagtaas siya ng kilay habang naghihintay ng sagot ko. Hindi ko akalaing sasabihin niya 'yon sa'kin.

Pumasok agad sa isipan ko si Simon. Hindi naman sa ayaw ni Simon dahil hindi pa naman ito nangyari. Bukod sa kapag tapos na ang klase ay dadaanan ko siya rito, hindi naman talaga ako nakikipag-kaibigan sa lalaki. I always find myself being distant to an opposite gender. Hindi ako komportable. Hindi dahil sa ayaw ni Simon, it was my choice.

"Hindi naman po, Sir. Tsaka kayo naman po 'yan, hindi naman po siguro siya magagalit?"

He smirked. Contented of what I've said.

"Bakit parang nag-aalinlangan ka?"

Umiling ako at payak na ngumiti. I reached for the car door handle, pero nagtaka ako nang lumabas naman si Flame... para pagbuksan ako.

Matagal bago ako nakapasok. Napatitig muna ako sa mukha niyang parang galit, hawak-hawak ang pintuan at hinihintay akong pumasok.

"Do you need help hopping in?" nagtaas ng kilay niya.

I stiffened. Marahas tuloy akong napailing at pumasok na sa loob.

Mabango ang sasakyan niya. Nag-eexpect ako ng kahit man lang madumi pero nakakagulat dahil malinis at mabango ang sasakyan niya.

Ito na yata ang pinaka-awkward na sumakay ako sa sasakyan. Matagal na nang huli akong makasakay... noong buhay pa ang parents ko. I was always at the backseat doing my thing when I was young. Ngayon, hindi ko alam kung magse-cellphone ba ako para hindi halatang nahihiya ako.

Should I use my phone? Kaunting oras na lang naman at nandoon na kami sa mansion nila. But isn't it a bit rude? Hindi ba nakakabastos na pinasakay niya ako rito tapos hindi ko man lang siya kinausap?

"I noticed you always visit your boyfriend even if he's at work." pangunguna niya.

Napaayos ako ng upo nang bigla siyang magtanong. His voice were soothing and pleasant. Malagong at buo pero hindi siya nakakasindak katulad ng sa iba. It was a bit hoarse and tired. Hindi ko mapigilang hindi mapansin.

"U-Uhm. Opo, gusto po kasi ni Simon na sabay kaming umuwi para raw... uhm." hindi ko alam kung kailangan ba talagang sabihin pero... "hindi na raw ako makapag-gala kasama ang mga kaklase o kaibigan."

"So, it's true, huh? Sumusunod ka nga talaga sa kaniya?"

Napalunok ako. "Hindi naman po sa palaging sumusunod pero... ayaw ko lang talagang maghiwalay kami."

Napatigil siya. Akala ko may biglang dumaan sa harap ng sasakyan pero nang makita kong dahil 'yon sa sinabi ko... napakunot ang noo ko. He scoffed. I saw how his smirk saw the light. Para bang katawa-tawa ang sinabi ko pero pinipigilan niyang tumawa. Kaso nakita ko pa rin.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon