Kiss his tears
"Tell him we'll just help with their preparations. I'm not in the mood to socialize."
Nagpigil ako ng ngiti. My god, this baby. Umalis kami ng bahay ni Pierce dahil sa sobrang inis niya. He held my hand on our way out. He held the door for me to get inside his car but didn't even bother to talk to me... or even look at me.
I don't know what's gotten into him. Pero siguro nagulat siya dahil kay Enrico. Ako din naman nagulat na si Enrico pa ang nakuhang bagong tutor ni Verniece. Hanggang ngayon, iniisip ko pa kung totoo nga bang nangyari 'yon. Ni hindi ko pa nasabi sa kaniya ang tungkol doon. Well, maging ang issue noon... ni hindi pa namin napag-usapan ng maayos.
We were just... busy experiencing us. Na hindi na namin napag-usapan.
Ibinaba niya ang cellphone at mariin na nag-drive palabas ng gate. Halos mahulog ang cellphone niya sa sahig ng sasakyan dahil sa padabog niyang pagbaba noon. Ngumuso ako habang tumitingin sa kalsada. That even though he's this mad, he's still driving responsively. Hindi mabilis ang patakbo niya, hindi rin mabagal.
"Hindi ba magtatampo sa'yo si Pierce? Baka isipin niyang wala kang pakialam sa kasal niya."
"I do care. I just don't wanna be in the same space as your ex."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at natatawang napatingin sa kaniya. "Sinabi ko bang ex ko siya? At sinabi niya rin sa'yo kanina na siya itong nanligaw. Sinagot ko ba?"
"Tss." 'yon lang ang sagot niya.
Napailing ako at napabuntong hininga. I'm not even mad that he's this mad. Wala lang, ang cute niya.
I looked outside and saw that we really are going home. Hindi na talaga siya mapipigilan pa.
"Aren't you going to say something, huh?"
Napairap ako. Siya itong galit na galit kaya ayokong sumabay sa galit niya. "Ano namang sasabihin ko? I told you, he's not my boyfriend. Sinabi rin niya sa'yo."
"Ano pang nangyari sa probinsya?" he asked.
Bumaling ako sa kaniya. He didn't even look at me. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang mariin ang hawak sa manibela.
"I went there to study and work. Wala akong makuhang trabaho noong una kong taon doon. Hindi ko rin alam kung mag-aaral pa ako, but I don't wanna regret everything. Kaya nag-aral ako habang nagta-trabaho." ngumuso ako. "You lifted all of my applications? Sinabi mo raw kay Gazell."
Napalunok siya. He licked his lips and touched my knees. "Yes. In the first year. I was so mad at you that... I don't want you settling in other parts of the country. Dito lang sa Maynila walang restrictions." he cleared his throat and pinched my knees. "You were so stubborn, baby. You were that mad at me for not returning. Iniisip ko pa lang na naghihirap ka, parang ayoko na lang magalit."
Napapikit ako nang maalala ang lahat ng hirap sa paghahanap ng trabaho. Naisip ko na rin noon na baka siya nga ang may gawa noon. It was so painful but I got by. Dahil nga pagkatapos ng ilang buwan na naghanap ako, may tumanggap naman sa'kin bilang kasambahay.
"Your anger was understandable-"
"It wasn't. They lied to me. I was fucking fooled by your ex and your grandmother's ex. Kaya hanggang ngayon, hinayang na hinayang ako sa pagsasayang ko ng tatlong taon."
"Bakit ka nga ba... naniwala sa kanila?"
Napabuntong hininga siya. Umiling. "I don't know, baby. I don't know if it's manipulation but... I think I was manipulated. All of their voices were triggering me. Sabay-sabay silang nagsasabi ng punto nila habang hindi ako makapag-isip. Dumagdag pa na... sinabi mong patay na ang Lola ng lalaking 'yon. And them... putting all the pieces, I was easily manipulated and fooled."
![](https://img.wattpad.com/cover/340550593-288-k537852.jpg)
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...