Kabanata 42

6.5K 93 34
                                        

Battlefield

Parang bumalik ako sa pagiging tao nang makita kong lumagapak ang katawan ni Edrix sa sahig ng bar dahil sa mabilis na pagganti ng suntok ni Flame. Sa sobrang bilis ng pangyayari, para akong natauhan at nagtagal pa bago ko napagtanto ang lahat!

Halos mahalit ang paghinga ko dahil hindi ko alam kung anong unang gagawin nang tumayo agad si Edrix at paulanan ng suntok si Flame!

I didn't have much time to think! Kahit pa gusto kong tanungin kung bakit bigla siyang nandito at nanggugulo ay hindi ko na nagawa dahil sa hiyawan at tilian ng mga tao sa bar. Gazell even grabbed my arm and tried to escape the bar with me!

"Teh! May gulo! Baka biglang may dalang patalim. Tara na!"

Umiling ako. Ni hindi ko alam kung sasagutin ko ba muna siya o pupuntahan ang dalawa.

"Si Flame 'yon at si Edrix!"

Nanlaki ang mata niya kasabay ng paglaglag ng kaniyang panga. Binitawan niya agad ang braso ko at hinayaan akong makapunta sa gitna kung saan nagaganap ang suntukan!

"You motherfucker!" sigaw ni Flame nang sa panuntok niya ay halos marinig ko ang paglagutok ng panga ni Edrix!

Nagkakagulo ang mga tao pero ang iba ay sinubukang lumapit sa gitna para manood. Some people are trying to stop them but because... it is the Flame Augustus Monforte... they aren't trying hard enough!

Nagsisiksikan na ang mga tao. Ni hindi ko alam kung paano isisiksik ang sarili ko para mapigilan ang dalawa!

"Fuck!" sigaw ko.

"And why the fuck are you here, huh? You stalker!" sigaw ni Edrix na ngayon ay puno na ng dugo ang bunganga!

And even in the middle of this chaos, nagawa pa ring manuya ni Flame dahil ngumisi pa siya! Nanliit ang mata ko. Kung kaya ko siyang hablutin ngayon, ako na lang ang susuntok sa kaniya!

"I'm here even before she came, you idiot! Sino sa atin ngayon ang stalker?!"

He is fucking nuts!

Sa sobrang inis at galit dahil sa nangyayari, buong lakas kong tinulak ang mga likod na kanina pa nakaharang sa'kin. I can just see snippets of what was happening. At kung hindi nagsisigawan si Flame at Edrix, hindi ko maririnig kung ano bang pinag-aawayan nila!

Mabilis akong pumagitna. Nagulat ako dahil sa pinakahuli yata nilang suntok para sa gabing ito ay mapupunta pa yata sa'kin! Ngunit napigilan 'yon dahil sa pagpagitna ko! I saw how their eyes widened and immediately withdrew their punch. Making the both of them lose their balance!

Napapikit ako. Sinapo ko ang noo habang nagngangalit ang ngipin. Matalim ko silang tiningnan dalawa habang mukha silang mga basahang gusto nang mailagay sa labada.

"Get up." I said in a monotonous way.

Nakapamewang na ako pero walang gumalaw. Kahit ang mga tao sa bar ay naghihintay sa kung ano. They were just watching me. Like I'm a hero that saved the fucking night. At nang makita ko ang dalawang wala pa ring ginagawa, lalong umusbong ang galit ko.

"Tatayo kayo o tatadyakan ko kayong dalawa?!" sigaw ko kaya nagkumahog silang dalawa na tumayo.

I don't care if a lot of people were looking at me. Kung pwede lang ay sila na lang ang tadyakan ko para hindi na sila harang sa dadaanan ko mamaya para makauwi na!

Hinarap ko si Edrix na ngayon ay nakatitig sa'kin habang hinahabol ang hininga. If this was just a usual day at my job, baka tinulungan ko na siyang gamutin ang bibig niya. Pero ngayong alam ko... at nararamdaman ko kung bakit siya ganito, hindi ko 'yon gagawin.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon