Kabanata 40

763 11 0
                                    

Wounded

Edrix slammed the door when he got out of his car. Nayanig ang buong pagkatao ko nang maramdaman ang pagdagundong ng sasakyan. Even Verniece shrieked. Tumili siya saglit dahil sa lakas noon.

Doon lang ako halos nakabalik sa ulirat dahil sa napakalakas na pagbagsak ng pintuan. I found him entering the penthouse building angrily. Alam ko dahil sa lakad palang niya, kitang-kita ang rahas at galit. Iniwan ako sa sasakyan niyang tulala pa rin habang iniisip ang mga nangyari. Dagdag pa na nagtataka ako sa pagbagsak niya sa pintuan ng sasakyan.

Verniece was with me. Nasa likod at hinihintay ako.

Napapikit ako nang may maalala. I just remember... Flame kissing me. I didn't know that it could happen again. I didn't expect it. I dreamt about it, yes. But... I am sure that it's never going to happen again... until now.

Binitawan niya ako ng marahan bago umalis ng parking lot... habang nakangisi kay Edrix na laglag ang panga. Nakangisi siya pero matalim ang mata niyang iginagawad sa aming dalawa. And I remember how the ride home were so silent. Awkwardly silent. Na kahit na may sinasabi naman si Verniece sa likod, ramdam ko ang tensyon.

"Are we... going to stay here, Tita? Umakyat na si Daddy, aren't we going to follow him?"

Napakurap-kurap ako. Napatingin ako kay Verniece na ngayon ay kuryosong nakatingin sa'kin. Napasulyap ako sa labas at nakita na ang isang valet na naghihintay na na lumabas kami.

Even though I felt myself being unable to move properly because of shock, sinikap ko pa ring dalhin kami ni Verniece sa penthouse. From time to time, I can sense her looking at me. Trying to see on my face what's been happening... pero hindi na siya nagtatanong.

Nang makapasok kami. Mabilis na tumakbo si Verniece sa kaniyang Daddy. Medyo nagulat pa ako dahil hindi pa nagbibihis si Edrix. Naghihintay lang siya sa living room habang ang mga braso ay nakapahinga sa couch. I don't wanna believe it but when we entered, mata ko agad ang hinanap niya.

Tumalikod ako para isara ang pinto pero bago 'yon, nakita kong may ibinulong si Edrix kay Verniece kaya ito kumaripas ng takbo sa taas.

I sighed. I calmly locked the door. When I faced him, his wary eyes unfolded. Parang kanina ay pinipigilan lang niya 'yon. Pero ngayon... buung-buo ko nang nakikita.

Napalunok ako. "H-Hindi ako nakabili agad ng gamot. You must've been waiting. Pasensya na."

Naisip kong baka masama na talaga ang pakiramdam niya. Pumasok pa rin siya kahit na nilalagnat at simpleng pagbili ko ng gamot ay natagalan pa. I do understand that he's angry. Masama na siguro talaga ang pakiramdam niya.

"And why is that?" tanong niya sa mababang boses.

Umawang ng bahagya ang labi ko. I'm pretty sure he knows why. Pero... gusto niya pa ring itanong?

Napapikit ako. Of course he wants to ask! Empleyado ka niya at hindi kaibigan!

"S-Si Flame. Kinausap niya ako kanina. Medyo t-tumagal kaya... tumagal din ang alis ko."

He smirked but it didn't reach his eyes. "And you were about to come with him. Bakit ka sasama?"

Natutop ang labi ko. Nag-iisip. Kasi kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit ba gusto ko ring sumama sa kaniya... kahit... hindi naman dapat. And just thinking about coming with him... is making my chest hurt... because of different kinds of emotions.

Narinig ko ang ngisi niya. Napatingin agad ako sa kaniyang reaksyon kaya lalo akong walang naisagot.

"I didn't know that you are this incompetent. Na kapag nandiyan na pala si Flame... o kahit sino pang lalaking gustuhin mo, kaya mong iwan ang trabaho mo."

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon