Lose
"Why are you doing this to me?" iyak ko nang binitawan niya ako.
Nanginginig ang balikat ko at namamanhin na ang buong katawan ko. Sobrang ikli pa lamang ng pag-uusap namin ay ganito na agad ang kinahantungan ng lahat. And even though, I am the victim here... mas naging biktima pa pala siya. Kasalanan ko pa pala.
He didn't give me any empathy at all. Nakatingin lang siya na para bang nakakadiri ako ngayon sa harapan niya. Just an insect living rent free in his house. Napapikit ako, paano kung gusto na niya akong paalisin. Paano? Saan ako?
He yawned. Inunat niya rin ang kaniyang mga braso. Napatingin ako sa leeg niya na namumula... parang hinalikan. Pumatak ang luha ko nang tinitigan pa 'yon lalo, hindi ko na mahabol ang hininga ko.
"Nakakapagod ka, Hardin."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Ako? Ako ang nakakapagod? My lips trembled as I remember all of the things I obeyed just to be with him. I remember all the things I set aside just for him to always like me. Love me. Pero bakit... ganito pa rin?
"I-Is this because of the text message?" umiling ako. "It's not what you think it is! Si Flame 'yon! He asked for my number, para... para siya na raw ang magu-update sa'kin kung nasaan ka. Just so, I wouldn't waste my time dropping by in their mansion!"
Napapaos na ako. Hindi ko na rin halos maiayos ang paghinga ko. I cried in front of him but nothing changes. Nakatingin lang siya sa'kin habang nangingiti. Umiling siya at humalukipkip.
"Akala mo ba kapag maganda ka... gusto ka ng lahat?" tumawa siya. "I don't know if you're this delusional that you really think that I'll believe your story. Hindi ka ba nag-iisip? Monforte talaga, Hardin?! Gagawan mo ng kwento ang mga Monforte?!" sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata.
Lalong nanlaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Bumuhos lalo ang luha ko. I can't believe that this is happening. Na ngayon... ako pa ang nagpapaliwanag. Na ngayon... ako pa ang umiiyak.
And how can he say such things to me? Para bang isang napakadumi kong babae kung pagsabihan niya ng ganito. That I am just a trash ready to be picked up. Gano'n ang nakikita ko sa mga mata niya.
"I'm not stitching a story! Totoong nangyari 'yon! He asked for my number! Kahit pa basahin mo ngayon ang conversation namin, si Flame talaga ang-"
"Wow!" pumalakpak siya kaya nagulat ako. "Flame? 'Flame' lang?! Flame lang ang tawag mo sa kaniya? Masyado ka na atang nababaliw sa pago-overthink mo, Hardin!"
"But I'm telling you the truth! We're talking just because of you!"
"At kung totoo nga 'yan, kailangan ko pa bang magpasalamat sa'yo na lagi kang updated sa'kin? Hindi ba't gano'n naman talaga dapat? Dapat updated ka sa nangyayari sa'kin!"
"Pero bakit ako?" hikbi ko. "Ni hindi mo man lang ako kinumusta kahit kailan. Why does it have to be one-sided? Akala mo ba hindi ko napapansin-"
"You know what, Hardin, your life... is very boring. Kung hindi mo nakikita 'yon, nakikita ng lahat 'yon. Nakikisiksik ka sa bahay namin habang nakikihati sa mga pagkain na sapat lang para sa'min. Umaasa ka sa pagpapaaral ko. Umaasa ka sa ipinangako ko sa'yo noon."
Tumulo ang isang luha sa mata ko. I think this is the last drop. Pagod na pagod na ako na pakiramdam ko wala na akong mailalabas. I felt like something dropped on my stomach. I felt like my heart stopped for a moment. Manhid na manhid na ang buong katawan ko.
Napayuko ako at hindi nakapagsalita pa.
Noon.
Pangako niya noon.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
