Is this...
I closed my eyes as I hugged Flame. Kakauwi niya lang galing trabaho pero hinintay ko talaga siya para mayakap siya ng ganito. For I have been thinking about meeting Lola Ruse for a week now.
If I was the same person two years ago, hinding-hindi na nila ako makikita pa. If I was that person they want to talk to, kahit anino ko, hinding-hindi nila masusulyapan. But right now, all I can think about is how am I going to meet them again despite my nervousness and fear.
Ang tanging kalaban ko lang ngayon ay takot at kaba. Bukod doon, layunin ko rin na makausap sila... para makapagpatuloy na ako ng mas maayos at mas payapa.
"Baby, if you can't stop thinking about it. Maybe it is best if you meet her."
Tumango ako sa kaniyang dibdib. Alam kong ito talaga ang gusto kong gawin pero parang isang kumpirmasyon kapag galing sa kaniya. Maybe because... he makes me feel safe at all times. Na kung masasaktan ako pagkatapos ng pag-uusap na 'yon, hindi niya 'yon hahayaan.
His gentle hands traveled through my hair. Mas lalo kong ginustong yakapin siya dahil doon. I felt his arms hugged me tighter. At kahit na nakatayo kami ngayon, para akong inaantok dahil sa haplos niya.
"Iniisip ko... baka mag-breakdown ako kapag nakita ko siya. I'm... scared to burst out. Baka magalit ako sa kaniya, and I don't want to worsen her situation."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Glenda, nabanggit niya na may sakit na si Lola. It worsen her situation when Simon was jailed. Bukod doon, hindi na rin kasi siya nakapagpahinga ng maayos nang magising siya galing sa pagkakatulak sa kaniya ni Simon noon.
"You won't. And I will shelter you if you burst out. She asked for this. Gusto ka niyang makausap kaya handa dapat siyang tanggapin kung anuman ang nararamdaman mo."
Napanguso ako. Gumagaan talaga kapag siya. I looked at him. Napapikit nga lang ulit nang halikan niya ang noo ko. I appreciate him for being a good listener. For being this supportive. Na kahit hindi pa nga siya nakakapagbihis dahil nagsabi na agad ako na nalulungkot ako, inuna niya pa rin ako.
"At sana tanggap niya rin kung anuman ang mararamdaman mo, because I won't get out of the hospital without her apologizing to you." I smiled and kissed him. Namula agad ang labi niya. "Ayos lang kahit hindi na sa'kin, basta mag-sorry siya sa'yo."
Tumango siya at ngumiti. Na para bang tama ang lahat ng sinabi ko. Na para bang anuman ang sasabihin ko ngayon, tatanggapin lang niya at hindi siya aangal.
"Whatever you say, baby. What's important to me is your feelings towards this. If this will give you your peace, then I just have to be with you to be your companion."
Nagtaas ako ng kilay. "How about you? Hindi ba 'to makakapagbigay sa'yo ng kapayapaan? It was because of their manipulation, kaya tayo naghiwalay."
Umiling siya. "The only peace I want is your words. Nagsisi ako na hindi ako nakinig sa'yo noon. Kaya ngayon na nandito ka na, hangga't hindi sa'yo nagmumula, hindi na ako maniniwala."
I smiled at him and touched his nose. "Thank you, baby."
Napapikit siya. Huminga ng malalim at niyakap ako ng mahigpit at matagal.
Isang linggo kong pinag-isipan kung dapat nga ba kaming magkita ni Lola. It was confusing to me. No. Actually, it's scaring me.
Matagal na panahon na kaming hindi nagkita. We never had a good relationship. It was always a disaster for the both of us. Na ang makita siya ngayon, hindi ko alam kung paano 'yon pakikiramdaman.
Isang maliit na hospital lamang siya naka-confine. Hindi ko alam pero nang makita ko kung gaano kahirap ang sitwasyon sa loob ay naawa ako agad sa kaniya. Ni hindi pa kami nagkikita, kumikirot na agad ang puso ko. And surprisingly, this is not about the pain they caused me... but this is purely in genuine feelings... that I feel bad that she's now just settling here.

BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
Любовные романыIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...