Alone
He'll do... everything.
Everything... he said.
As I glide my feet onto the bare tiles of the hospital, I can't help but think of his words. How he said those words so gently. Even though his voice was like a lullaby, he was still trying to make it feel like a cloud... just for me to calm down even more. Pero hindi niya alam, kapag nasa tabi ko siya... ayos na ayos na ako.
He said he'll do everything. Pero... kaya ko ba 'yon? Kaya ko bang ibigay sa kaniya ang bigat na 'yon?
He'll do everything to make me happy. He'll do everything to make me comfortable in life. He'll do everything for me... to have everything. Habang nagtatagal, pakiramdam ko... parang unfair sa kaniya dahil... wala naman akong maibibigay pabalik. If love is enough, why do I feel like I'm undeserving? Kung pagmamahal lang pala ang kailangan ng taong mahal mo, hindi ba niya 'yon makukuha sa iba? Sa ibang babaeng mas karapat-dapat sa kaniya?
I am alone. Wala akong pamilya. Nagkaroon ako ng pamilya noon pero iba ang pagtrato na naranasan ko. Siguro dahil... hindi naman nila ako kargo. Hindi naman nila ako obligasyon at responsibilidad. Hindi ko sila masisisi. Hindi ko sila dapat pinag-iisipan na para bang kailangan nila akong mahalin.
They were also trying to make ends meet. They were also trying to survive. Pasalamat na lang dahil nakaabot ako ng kolehiyo dahil sa kanila. Wala akong kayang ibalik. Wala akong kayang ibayad. Wala akong kahit na ano.
Kaya siguro... nang makita nila ang oportunidad na ipasok ako sa ganitong sitwasyon, wala na silang atubiling ibigay ako... dahil hindi naman ako pamilya. Wala rin naman akong kayamanan. Wala ring maghahanap.
Oo, ayos lang siguro 'yon. Hindi ako pamilya, kaya siguro... ayos lang.
Minahal ko na si Flame sa mga pagkakataong nakikita kong nagkakaroon ako ng kalayaan. Nang mahulog ako sa kaniya, hindi lang dahil sa gwapo siya at matalino. Nahulog ako dahil... kaya pala ng isang taong maging mabuti. Kaya pala ng isang lalaki na hindi umalis kapag may sakuna. Kaya pala ng isang lalaki na... hindi sumuko sa taong mahal niya.
I realized that late. Huli ko nang napagtanto na hindi pala dapat ako nagsusumamo para hindi iwan. Huli na nang mapagtanto kong mali na dapat may challenges na mapagtagumpayan para manalo ka at hindi ka na ipapatalo pa.
Mali palang nilulubog ko ang sarili para lang magkaroon ng pamilya.
Flame has been my love. Ilang buwan palang kaming magkasama, mahal na mahal ko na siya. It is a different kind of love. The love that protects. The love that craves, and the love that's always clean.
That is the love he deserves.
Napatingin ako sa pintuan ni Lola Ruse. Napili kong hindi isama si Flame ngayon dito dahil gusto kong tapusin ito mag-isa. Ayokong marinig niya ang pagpapaalam ko kay Simon. Ayokong makita niyang may pinipili ako dahil nang mapagtanto ko ang lahat ng 'yon, siya na ang nag-iisa sa entablado.
Unknown Number:
Nasa hospital na rin ang damit ni Flame na hindi mo naibalik sa kaniya. Pumunta ka sana sa Sabado. Makapagpaalam ka kay Lola bago siya mailibing.
Ngayon ko lang ito binuksan kahit na ilang araw na ang message niya. I looked at my phone and sighed when I saw a bunch of different messages from him. Marami siyang mga sinasabi na hindi ko maintindihan. May mga message siya na tumatawa lang pero walang context. May iba naman na puro typo pero hindi ko pa rin maintindihan.
Iniisip ko na baka mahirap lang ang pinagdadaanan niya ngayon kaya ganito siya. Death can take a toll on someone's mental health. Ako noon, hindi ako makapagsalita. Baka si Simon, iba niya hawakan ang sarili niya pagdating sa mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
