Kabanata 38

6K 86 16
                                        

Bukol

Mabilis kong itinalikod ang engagement ring ko. The diamond is now hidden. Makikita lamang kapag tiningnan na ang palad ko. Kabadong-kabado ako na baka kapag makita 'yon ni Flame... bawiin niya sa'kin.

I know that I promised myself that only him has the right to take this from me. Siya lang ang may karapatan pero... sinusubukan ko pa rin na hindi na mangyari 'yon.

This is all I have. I want to own it forever. This is mine.

"Tita! Daddy is so stubborn! Pumunta na nga ako dito para sunduin siya at kumain na, ayaw niya pa rin!"

Sinubukan kong tanggalin ang mga paa ko sa kung saan ito nabato. I swear, I was planted there for a while. Baka kung hindi ko natanggal ay lumubog na rin ako. And how I wish! How I wish na mabilis lang lumubog dahil hirap na hirap akong tumayo ngayon dito!

I tried to remove my gaze on the important people in the room. Yumuko ako ng kaunti para magbigay galang sa kanilang lahat habang pinupuntahan si Verniece. And when I reached them, parang gusto ko na lang kunin agad si Verniece at tumakbo palabas!

"Verniece, we'll wait for your father. They are in an important meeting." bulong ko habang pinaghihiwalay na ang dalawa.

Umiling siya at ngumuso. Halos mapamura ako dahil doon.

"But I am so worried! I know you're worried too!"

Napalunok ako at sumulyap kay Flame na ngayon ay masamang nakatingin sa'kin. Napaso ako agad kaya nag-iwas ako ng tingin.

"W-We'll wait for him."

"But you're worried too, right?" ngumuso siya. "Please tell him that he needs to rest."

I wanted to die right now!

Napabuntong hininga ako at hindi na alam ang gagawin. Kung pwede lang pagsabihan siya ngayon ay nagawa ko na. Everyone was looking at me, waiting for me just to say the fucking words so that they can continue!

Napapikit ako. "Edri-"

Napatigil ako nang may malakas na tumikhim. My head instinctively looked at the person and saw that it was Flame. Tiningnan ko pa lang siya, para na akong sinisilaban. I didn't know that I can still feel that despite being away from him for so long.

Tumitingin siya sa relo niya na para bang galit na galit na at nakakaubos na talaga kami ng oras. Banas siyang nag-angat ng tingin sa amin kaya pinilit ko nang makaalis kami.

Kahit na hindi gusto ni Verniece na umalis, I removed her from her father. May binulong ako sa kaniya na nakapagpakalma sa kaniya. Tumango siya kahit na hindi niya talaga gusto at saka ko binuhat para mabilis na kaming makaalis.

Nang makalabas kami ng conference room, parang doon lang ako nakahinga ng maayos. I tried to calm myself as I put Verniece down. Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa hindi ako makapaniwalang nangyari. I looked at Verniece and I saw her looking at the door again.

I swear, kung papasok siya ngayon para kumbinsihin ulit ang Daddy niya na kumain na, uuwi na ako! I don't care if Edrix will get mad at me and fire me by leaving his child! I cannot stand being in the same room with... him!

With him!

Fuck! Totoo bang nangyari 'yon? Nagkita... ulit... kami?

Nagkita ulit kami?

Putang ina, nagkita nga kami!

"Are you okay?"

Muntik ko nang makalimutan na nasa tapat pa rin kami ng conference room. Nagulat ako sa sinabi ni Verniece na napahawak ako sa dibdib ko. I nodded while catching my breath. Kinuha ko na ang kamay niya para maglakad na pabalik sa opisina ng Daddy niya. Pinipigil ko ang panginginig ng kamay ko para wala siyang mapansin.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon