Kabanata 5

686 9 0
                                    

Spiteful Eyes

Sir Flame:

Simon will be here in a few. Pierce updated me just now.

I turned my phone off. Dalawang linggo na simula nang huli kaming nag-usap. I feel bad that I don't even reply to him and even say my thank you. Simula kasi noong sinabi ni Simon ang mga salitang 'yon... sobra na akong na-guilty.

I know I'm not cheating on him but looking at my reaction that time, he probably took it incorrectly.

Gustung-gusto kong magpaliwanag sa kaniya tungkol doon pero halos dalawang linggo na rin niya akong hindi pinapansin. Lola Ruse noticed it too, kaya siguro madalas siyang nakangiti sa akin ngayon. She's probably happy that his grandson doesn't communicate with the girl he hates.

Madalas ring nandito si Glenda kaya hindi ko siya makausap. And it annoys me that he can give his full attention to his childhood friend than his girlfriend.

Mabilis lang na pag-uusap 'to pero hindi namin magawa. Mas lalo ko tuloy naaalala lahat ng mga sinasabi ng mga kaibigan ko tungkol sa isang relasyon. I badly want to fix our relationship but he's just not cooperating. I don't know if he's mad at me or just taking his time to cool his head.

Kaya nagulat ako nang sinagot niya ang tawag ko para sabihing hindi na ako papasok sa village at hihintayin ko na lang siya sa labas. He answered his cold 'okay' and proceeded to meet me. Akala ko nga lang ay okay na at papansinin na niya ako pero hindi pa rin niya ako inimikan.

Simon didn't entertain any of my explanations. Kada kakausapin ko siya tuwing maaabutan ko siya sa umaga bago pumasok ay hindi niya ako pinapansin. He'd just look at me and continue what he was doing. Minsan naman, sasabihin niyang ayos lang.

I wanted to tell him that it was just his boss. Na wala namang malisya dahil tungkol din naman sa kaniya kung bakit kami nag-uusap. But then, he's not really eager to listen. Hindi ko tuloy alam kung okay kami o kailangan ko pa siyang suyuin.

Kahit magkasama naman kami at may kailangan kaming pag-usapan, hindi niya talaga gustong buksan man lang. Baka nga okay na siya? What made him okay about it, though? Hindi ko alam.

Binuksan ko ang notebook ko habang nandito kami sa canteen ni Gazell. Bumili lang kami ng snacks na pwedeng kainin habang nag-aaral. May quiz kami ngayon pero hindi naman ako nakapag-aral kagabi ng maayos kaya dito na lang sa canteen.

"Teh, ano na? Hindi pa rin kayo okay ng jowa mo?"

"Kung okay kami, e, 'di sana hindi ganito ang hitsura ko ngayon?"

Nagtaas siya ng kilay. Nilunok niya muna ang kinakain bago ako pinandilatan.

"Hello! Kahit naman okay kayo ng Simon mo, ganiyan pa rin naman ang hitsura mo! Always depressed and never pressed!"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong 'never pressed' ka diyan."

"Ewan ko din." umiling siya. "Stressed ka pa rin naman kahit na okay kayo. At sa totoo lang teh, kahit okay kayo... hindi ko naman maramdaman na okay talaga. Alam mo naman, hindi ko gusto pagiging manipulator niya."

I smiled. "Hindi siya manipulator. I told you I'm doing this because I want to."

Umirap siya. "Nako, teh. Hindi magandang mindset 'yan. Okay lang naman magbigay ng one hundred percent pero kung pati ang kaligayahan mo, naisasantabi, wala ring kwenta 'yan!"

May kinuha siyang liptint at nagliptint muna.

"Sa isang relasyon, mas magwo-work kung pareho kayong dalawa na masaya. Hindi 'yong siya lang!"

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon