Free Time
Sumisimsim na ako ng kape. Lahat sila ay nagtatawanan sa kani-kaniyang mga kwento. Minsan hindi ako makasunod sa mga kwento nila dahil tungkol 'yon sa mga sports o kaya ay business deals nila sa iba't-ibang bansa. Thank goodness that they didn't mention the things that happened to them last night. Sobrang awkward siguro no'n kung sakaling may magbukas ng topic na 'yon. Lalo na't ako ang pinakasentro ng lahat.
Actually, I was nervous because of the judgement they might throw at me. Inakala ko kasing mababa ang tingin nila sa'kin at hindi nila ako pakikitunguhan ng mabuti dahil lang sa trabahong pinasok ko. Kaya ngayon na ganito sila makipagkwentuhan habang nandito ako, medyo gumaan na ang loob ko.
"Kung hindi ka pa pala nagkaroon ng girlfriend, hindi kami makakapasok dito."
Masamang tiningnan ni Flame ang kapatid niyang si Pierce. I smiled when I noticed that Pierce didn't even flinch. Napansin kong hindi siya takot sa Kuya niya. He just winked at him and continued eating. Lalo namang kumunot ang noo ni Flame nang tingnan ang kapatid.
"I completely understand. I have a girlfriend and still I don't want y'all in my house." sagot naman ni King.
Nagtawanan sila. Napangiti din ako. I saw Flame watching me as we all laugh. Siya lang ang hindi tumatawa sa aming lahat. Nagtataka lang ako kung bakit ako ang tinitingnan niya, samantalang hindi naman ako ang nagsasalita.
Medyo malayo siya sa'kin. Sa pinakadulo kasi ako umupo at siya naman ay sa kabilang dulo. Nahihiya kasi akong tumabi sa kaniya dahil baka tuksuhin kaming dalawa. Although I don't think they'll do that, ayoko lang na awkward ang lahat.
Marami pa silang mga napagusapan. Hindi ko na nasundan 'yon dahil hindi ako komportableng tumingin sa kanila, lalo na't kanina pa ako tinititigan ni Flame ng walang kahit na anong emosyon. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya dahil nagtataka na ako pero nagtaas lang din siya ng kilay. Lalo tuloy akong nagtaka.
Sinusubukan kong ngumuya ng payapa at kahit busog na ako ay kumakain pa rin para lang ma-distract ako. Matagal-tagal rin akong hindi nag-angat ng tingin sa kaniya kaya inasahan ko na baka nagfo-focus na siya ngayon sa mga kasama namin. But then when I accidentally looked at him, he's staring at me like he's about to tear my clothes off any minute now.
Medyo na-conscious tuloy ako sa suot ko ngayon. I looked at my clothes and I think it's okay. Wala namang malisya ngayon sa mga kasama namin kaya hindi ko naman naramdaman na binabastos ako. I don't feel violated. They were actually really nice. Hindi ko rin sila nakitang tinitigan ako pababa kaya sa tingin ko ay ayos lang.
But then I saw Flame rolled his eyes as his eyes glides onto my clothes. Napainom ako ng tubig dahil sa kaniya pa ako naging hindi komportable, samantalang siya ang boyfriend ko.
Umalis din naman sila nang matapos kumain. Naubos nila lahat ng niluto ko kaya napangiti ako habang nagpapaalam sila sa amin na aalis na sila. Pierce even kissed me on the cheek and winked at me, nagulat ako roon, ginawa niya 'yon bago tumingin sa kaniyang kapatid at lumabas na ng penthouse.
"Do you like what you're wearing?"
Nagitla ako at halos manigas nang mapagtantong nasa likod ko nga lang pala si Flame. Nawala pala sa isipan ko na hindi naman sa akin itong lugar at inakala kong wala na akong kasama. Napapikit ako.
Matagal bago ako napaharap sa kaniya, para lang maabutan siyang nakahalukipkip habang nakasandal sa pader. His hair was a bit disheveled. Tumatama ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa kaniyang mata. His eyes bore into me. He's now wearing a v neck shirt. Mas komportable na akong tingnan siya ngayon kaysa kaninang wala siyang saplot pang-itaas. Hapit ang damit niya sa kaniyang braso kaya kita ko kung paano umigting 'yon.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomansaIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
