Harmful
"Ilang araw ka nang may sakit. Verniece was worried. Sinabi niyang magpa-hospital ka na raw."
Edrix is sipping his coffee. Nakasuot na ng puting long sleeves. Medyo basa pa ang buhok dahil kakaligo lang.
He chuckled. "She's worried? Ngayon ko lang siya narinig na nag-aalala sa'kin." masigla siyang bumuntong hininga. "That felt good."
"Mahal ka ng anak mo. Hindi mo lang napapansin dahil nasa trabaho ka palagi. She's always asking about you."
Tumangu-tango siya habang nakangiti. Nilaro niya ang tasa at tumitig doon. "Her mother introduced her to me when she's two years old. I didn't believe that you can love someone that fast. That deep. Akala ko noon, puro kababawan lang 'yon ng ibang tao. But when I saw her... my heart overflowed."
Tumango ako at pinakinggan siya. He smiled at me but his smile didn't reach his eyes.
"Handa akong pakasalan ang Mommy niya. I am ready to love her Mom. Lahat ng priorities ko magmula nang binata ako, hinayaan kong mabasag at mawala 'yon. Girls and its pleasure. Iniwan ko na 'yon, simula no'ng makita ko siya."
Uminit ang pisngi ko. Naalala ang gabing birthday ni Flame dahil nandoon din siya. I guess he hasn't met his daughter at that time yet. Kaya nagawa niyang mag-participate noong gabing 'yon.
"Nangyari siya dahil sa mga kagaguhan ko. I was so careless because I was young. Pero nang makita ko siya... kahit isang patak, hindi ako nagsisi." he smiled. "I am so ready to be a girl dad. Ni hindi ko naisip na magiging ama ako pero nang dumating siya, hindi ko alam na gusto ko palang maging ama noon pa."
"And you're doing it now. Nagpapaka-ama ka sa kaniya. You're juggling your work and your time for her. Hindi pa siguro niya naiintindihan pero... habang nandito ako, susubukan kong ipaliwanag sa kaniya."
He looked at me. I saw how his eyes flickered. He licked his lips and bit it.
"Thank you. Mas naging madali ngayon ang relasyon naming mag-ama dahil sa'yo. I guess she's really happy because you're here. Kaya kahit na minsan wala ako, may nagpapaliwanag naman sa kaniya kung bakit."
I smiled. "She's a smart kid. Madali lang magpaliwanag lalo na mabait siyang bata. She's just hard on you because she wants your time. Pero... mahal ka no'n."
He smiled and nodded. Nakangiti siya habang umiinom ng kape... hanggang sa umalis na siya para magtrabaho.
Napabuntong hininga ako. Ilang araw na siyang may sakit... at ilang araw na rin akong walang tulog dahil sa nabasa ko.
Flame.
Walang binanggit sa'kin si Edrix tungkol kay Flame kaya hindi ko alam kung anong bakit sila nag-uusap. Of course, they're friends. Pero sinabi niya sa'kin kamakailan lang na hindi na sila gaanong nag-uusap. So, what's their deal? Business partners ba sila ngayon? O baka nagkumustahan lang?
I guess I will never be able to find out. Mas okay na rin na wala na akong alam tungkol sa kaniya.
Pagkatapos kong makita 'yon, ginawa ko pa ring maghanda ng hapunan para kay Edrix at Verniece. Binigyan ko na rin siya ng gamot para gumaling siya kaagad. Napansin ko lang na... medyo mabagal pala ang bawat galaw ko. Minsan ring natutulala at napapaisip.
I felt at that moment that I was zoning out. Malayo ang naiisip ko habang marami akong nararamdaman. But I felt unnecessary, so I tried to refuse every emotion. And yes, I failed.
Ilang gabing wala akong maayos na tulog. I am not sad. I am not happy too. I don't even know what I'm feeling. Pangalan pa lang 'yon. Nabasa ko pa lang. Paano kapag nasa harap ko na?
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
