Kabanata 9

6.8K 72 3
                                        

Dress

Pumasok ako kahit wala akong gana. Tiningnan ko ang sarili ko habang nagkaklase si Sir. It's just a simple jacket and pants. May nakakatawa ba dito? Am I too... pretty for this? O baka naman ang pangit ko lalo dahil ganito ang suot ko?

I smiled sadly as I remember their mocking faces. Right. Baka nga...

I just want Simon to be happy. Ganito ang mga gusto niya. He doesn't like girls that are dressing opposite to this. Hindi niya gustong nagsusuot ako ng mga bagay na gano'n, pero bakit... iba naman ang pinapakita niya ngayon?

He's laughing like I am a walking joke. Para bang nandidiri pa siya habang tinitingnan niya ako.

My feet were wobbly but I managed to get to class today. Kinakausap ako ni Gazell at nakakasagot naman ako kahit na medyo wala ako sa sarili. My mind were in a lot of places. Maraming tinatakbuhan kahit na nasa iisang lugar lang naman ako.

Wala rin akong ganang matuto ngayon. Lahat ng tinuturo ni Sir, hindi ko maintindihan. I was just so done. I wanted to disappear so bad.

"Hoy, Hardin! Ano ba?" sigaw ni Edna.

Napakurap-kurap ako. Nasa group work kami ngayon, may gagawin kaming exhibit para sa subject namin. Ni hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. And I didn't even notice that they are already planning something. Lumilipad kasi ang isip ko kanina pa.

"A-Ano?"

Nagtaas siya ng kilay. "Ibibigay namin sa'yo ang funds. Ikaw na ang bumili ng materials. Tutal at ikaw na lang ang walang gagawin. Wala ka pang naitulong sa pagbibigay ng ideas."

Napalunok ako, medyo nahiya sa sinabi niya. I nodded weakly. Humingi ako ng pasensya kahit na alam kong hindi naman nila 'yon papansinin. I didn't give her any reaction. Maging ang mga kagrupo ko ay umiling habang nagsisialisan.

Nakakahiya pero... wala lang talaga akong gana.

Ni hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase namin. Oras na sa pag-uwi at hindi ko na nakasabay sa paglabas si Gazell dahil marami siyang gagawin. Kumpara sa'kin, siya ang nagplano ng sa grupo nila. May meeting pa raw sila sa labas. Hindi katulad ng sa akin na bibili na lang ng materials.

Napatigil ako saglit, medyo nabuhayan na kahit paano... hindi muna ako makakauwi sa bahay.

I know that it is so toxic to think that way. Na ngayon, mas ramdam mo pang tahanan ang ibang lugar kaysa sa sarili mong tahanan.

And well, I know that I'm not part of the family. Pero hindi ko lang matanggap na ilang taon na akong nakatira doon... hindi pa rin ako tanggap ni Lola. And now that Simon is acting this way, parang lalong mas mahirap.

Napatingin ako sa mga taong mabilis na kumikilos dahil medyo masikip. Looking at them, I realized that I've been unadventurous lately. Bahay, school at mansion ng mga Monforte lang ako lagi. It's just a pace to me. Na ngayong nakakakita ako ng ibang tao, parang medyo gumaan naman ang loob ko.

Mabilis kong binili ang lahat ng nasa listahan. Parang nabilisan pa nga ako dahil hindi na ako masyadong nag-isip. I just did what needs to be done. Kalahating oras lang halos ang ginugol ko sa pagbili.

Kaya nang makita kong medyo maaga pa, pumasok muna ako sa mall para magpalipas ng oras. Medyo nag-alinlangan pa ako dahil wala naman akong bibilhin sa loob. I mean, I have a few money but I doubt I'm going to spend it.

Malapit lang sa palengke ang mall. Ni hindi ko pa nararamdaman ang pagod kaya dumiretso na ako dito para magpalamig. Medyo pawisan na rin kasi ako sa pagbili ng mga gamit.

It kind of refreshed my mind a bit. Na nakakakita ako ng iba pang tao. Parang ngayon na nga lang ulit. 

Maybe that's why I kind of feel a bit sad for a moment. Pero kapag pala nasa isang open space ka at nakakakita ng ibang lugar at ibang tao... medyo nakakabawas sa dinadala mo.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon