Hurt
Hindi ako nakasagot sa kaniya agad. Nag-iwas ako ng tingin kaya narinig ko ang tawa niya. He threw his head back and laughed. Nag-iinit naman ang pisngi ko kaya hindi ako makabalik ng tingin sa kaniya.
How can he say that to me? Ni wala pa kaming isang linggong mag-boyfriend! He has the guts to say that? Ganito ba talaga kapag alam ng isang lalaki na kaya niyang kunin ang lahat? He said that like he's just saying he's hungry. Hindi ako makapaniwalang ganito na siya ka-brutal magsalita sa'kin.
He licked his lips. Huminga ako ng malalim at hindi na inisip ang sinabi niya.
"A-About the clothes." pag-iiba ko ng usapan. "Aalis na sana ako para makuha ko ang damit na hiniram ko sa'yo noon. Uuwi na rin muna ako sa'min."
Tumigil siya sa pagngisi. "Sa bahay ni Simon?"
"Oo. Doon na rin muna ako. You can text me if... you know. Uhm, sorry. Hindi ko alam kung ano bang ginagawa ng mga mag-boyfriend kung... mayamang ang isa. You can text me." kinagat ko ang labi ko.
Kumunot ang noo niya. "Why would it be different from... anyone else?"
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat na eksplenasyon tungkol doon. I just know that there is so much difference when it comes to dating when you're poor or when you're rich. Napakalaking diperensya.
Siguro pareho lang kung basehan ang pagmamahal. Pero sa mismong date... hindi.
Napatingin ako sa kisame at nag-isip.
"Well, when... Simon and I-"
"You don't have to mention his name, Hardin."
Napalingon ako sa kaniya. His face were contorted with anger. His lips were in a thin line. Tumango ako nang maintindihan kung saan siya nanggagaling. Siya nga pala ang boyfriend ko.
"I'm just asking you in general. You don't have to answer in experience."
Tumango ako. "Okay, sorry. Well, I just know that when you're poor, sa tabi ng kalye lang kayo nagde-date. Minsan sa bahay o labas ng eskwelahan. Minsan naman sa mga karenderya. O kaya sa... Jollibee or Mcdo lang."
Nakatitig lang siya habang pinakikinggan ako. Para bang mayroon siyang iniisip dahil wala siyang naintindihan sa mga sinasabi ko. It was such a puzzle to him that someone actually does that on a date. He licked his lips and looked away. Para bang wala siyang naintindihan talaga.
"How do you fall in love with someone like that?"
Napahawak ako sa dibdib ko, napatingin siya doon. Nalaglag ang panga ko dahil na-offend ako sa sinabi niya. Ako naman ngayon ang masama siyang tiningnan. This spoiled brat! Hindi ko alam kung paano siya pinalaki ng mga magulang niya o kung paano niya dinala ang buhay niya pero... grabe naman!
"Hindi naman kasi lahat ay puro mamahalin lang ang gusto. May mga taong masasaya na sa maliliit na bagay. If my partner can't afford something fancy, then we'll eat somewhere else. We'll do something else. Hindi naman ako naghahangad ng mamahalin. I just want to be with him."
Hindi siya sumagot. Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya dahil pakiramdam ko... ang dami niyang hindi alam tungkol sa pagmamahal. Pakiramdam ko naman nakipag-date na siguro siya pero parang... wala pa rin siyang alam. Ganito rin ang reaksyon niya nang malamang nagpupuyat ang mga tao para lang makausap ang mga boyfriend o girlfriend nila.
Tumagilid ang ulo niya na para bang mayroon siyang bagong nalaman.
Napabuntong hininga ako. "Well, you can text me-"
"So, even if I take you to different places... as long as you're with me, you'll be with me?"
Kumunot ang noo ko. "Kung makapagsalita ka parang ilang taon na tayong mag-jowa."
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
