Kabanata 7

6.9K 78 18
                                        

Rules

Parang nanlabo ang paningin ko sa nabasa. Ilang ulit ko pang pinasadahan ang nakalagay sa text pero gano'n pa rin.

My hands were shaking. Nanlalabo na ng unti-unti ang mata ko dahil sa naiisip at nararamdaman. It was so painful that I can't even breathe properly. Kinailangan ko pang paalalahanan ang sarili ko na huminga bago magawa 'yon.

Hindi ko mabuksan ang phone dahil sa password. I wanted to read all of their messages so badly. Ano? Araw-araw ba silang magkausap? Hanggang gabi? Hanggang madaling araw? Kailan pa? Kailan nagsimula? Bakit hindi niya sinasabi sa'kin kung sinong nakakausap niya?

I know that it's very nosy of me. Alam kong may karapatan si Simon na makihalubilo sa bawat tao. Pero kung ganito? Bakit may 'I love you'?!

Hindi niya ako pwedeng sabihan na pagkakaibigan lang ang ibig sabihin no'n!

Pakiramdam ko marami pa. Pakiramdam ko may mas sasakit pa. Who knows what's in their tet messages? At kung sa facebook, ano pa kaya ang pinag-uusapan nila doon?!

But then this message is just enough proof that he's talking to her... and I didn't know.

Ang alam ko lang noon, palaging dumadalaw si Glenda at nag-uusap sila minsan. They're friends and who am I to forbid him to talk to his friends? Lalo na't magkaibigan sila noon pa. Bago pa ako dumating.

Pero ako ang girlfriend niya ngayon. I'm supposed to be his safe haven. Pero bakit ngayon... para lang akong nakiki-bedspace sa kanila? Bakit parang si Glenda pa ang may maayos na pakikisama sa kaniya?!

Hindi ko alam kung nagrereply ba si Simon. Kung pwede lang na mabasa ko lahat ngayon pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang sisihin kung bakit ganito pero hindi ko naman sigurado kung mahal rin ba niya si Glenda.

"Are you okay?"

Saka lang ako napabalik sa h'wisyo. Napatingin ako kay Flame na ngayon ay kuryosong nakatingin sa'kin. Paubos na ang pagkain niya samantalang ang akin ay hindi pa nangalahati.

Masarap ang pagkain pero hindi ko magawang kainin ang lahat dahil sa nararamdamang pait.

"What happened?" tanong niya ulit.

I smiled. Pinilit kong kumuha ng pagkain para magmukhang wala lang. I started eating slowly, ngunit habang tumatagal... bumibilis 'yon. It was so stressful that I don't know how to keep calm, so I stuffed my mouth with food.

"I've never seen you this hungry." puna niya pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko alam kung busog ako. Hindi ko din alam kung gutom na. I just know that I'm hurt. My stomach's turning. Pakiramdam ko kailangang-kailangan ko nang makausap si Simon.

Hindi pa tumitila ang ulan. And I know that I can wait here. Gusto kong maabutan siya rito. Gusto kong sabay kaming umuwi. Ayokong mag-away kami sa bahay dahil paniguradong makikialam ang Lola niya. I just want to talk to him.

Napatigil ako sa pagnguya. Nawala lahat ng galit sa sikmura ko. Bigla kong naalala ang sitwasyon ko. I suddenly felt pity over myself. Oo, kakausapin ko siya, pero paano kung mauwi 'yon sa hindi maganda?

I can imagine his grandmother throwing my clothes outside. I can imagine the shouts.

Pwedeng-pwede niya akong palayasin. Pwedeng-pwede akong mamuhay sa kalsada bukas na bukas din.

Napalunok ako. So, I'm just gonna let this slide? Pero... paano ako?

I did everything for him. I changed. Lahat nga ayaw niya ay sinusunod ko. Lahat ng gusto niya, ginagawa ko. What did I do wrong? Kung sakaling nagchi-cheat nga siya... saan ako nagkamali?

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon