Flame Augustus Monforte
Simon sacrificed a lot for me. He's all I have. He's everything I've ever wished for. Simula nang mawala sila Mama at Papa, siya lang ang nariyan para sa'kin. He did everything for me. He's like a knight in shining armor. Siya ang nagligtas sa akin sa lahat. Kaya rin siguro minahal ko siya ng sobra, dahil hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng lalaking kayang gawin ang lahat ng ginawa niya... para lang sa'kin.
That's why it hurts to the core that I even need to compete for his love. Na akin naman siya pero... kailangan ko pang makipag-paligsahan para hindi siya mawala.
I looked at Glenda while she's crying. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang saktan dahil ako dapat ang umiiyak sa aming dalawa. Na sa aming dalawa, wala siyang karapatan na gawing pain si Simon. Hindi niya dapat sinasabi ang bagay na 'yon dahil boyfriend ko si Simon. Hindi ko kailangang gumawa ng paraan para maging akin siya.
How dare she cry in front of me? Hindi siya ang naagawan! Hindi siya ang niloko! Sila ang nanloko sa'kin! Tapos ngayon, ako pa ang kailangang gumawa ng paraan para lang mapunta sa'kin ang sarili kong boyfriend?!
Then it struck me. Napailing ako dahil totoo naman. Ako lang ata itong bulag sa aming tatlo. Ako lang ang hindi makatanggap sa lahat ng mga nangyayari. Truth is, Simon is dripping away from me. Ilang hila na lang ay mawawala na siya sa'kin. Hindi. Wala na siya sa'kin. Kaya siguro... malakas ang loob ni Glenda na i-propose sa akin ito.
Alam niyang malaki ang laban niya sa'kin. Alam niyang sa kaniya na si Simon. Pero iiwan niya ito pagkatapos kong tumulong sa kaniya. Gagawin niya 'yon... dahil mahal niya si Simon.
I closed my eyes. "Okay."
Narinig kong tumigil siya sa pag-iyak. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko iyon tinugunan. It's weird for me to touch her. She cried more while she's thanking me. At ako... hindi ko man lang magawang maiyak kahit na sobrang sakit sa'kin na gawin ang bagay na 'to.
I will dance seductively. I will be the girlfriend of some billionaire. Kahit ano pang sabihin nila... para ko na ring binenta ang sarili ko dahil sa kahirapan.
Pero dahil... gusto ko talagang akin si Simon... sige, lulunukin ko na.
Lumapit si Simon nang makita ang posisyon naming dalawa ni Glenda. I looked at him weakly. Hindi na ako umaasang tumingin siya sa'kin ng may pag-aalala at pagmamahal. Para akong nasasanay na hindi na siya gano'n sa'kin. Kaya nang makita kong kunot ang noo niya at may galit ang mga matang nakatingin sa'kin, hindi na ako nagulat.
But it still hurts, big time.
"What's wrong, Glenda?" he asked softly.
Umalis si Glenda sa pagkakayakap sa'kin. She then wiped her tears. Pero kahit na anong gawin niya, tumutulo pa rin. Nakita ko ang pag-aalala ni Simon habang nakatingin doon.
"W-Wala." tiningnan ako ni Glenda. "Ako na ang magsasabi sa kaniya."
Hindi ako nakasagot. Tumayo siya ng dahan-dahan at muntikan pang matumba dahil sa panghihina. Simon held her waist tightly. Napatingin ako doon at iniwas ko na lang ang tingin ko nang makaramdam ng sakit sa dibdib.
Masakit sa dibdib na makita ang sarili kong ganito. I am now wearing a black lace brassiere. Sweetheart neckline. Leather shorts and a knee high black boots. Oo at hindi kasing laswa ng mga kasama kong sasayaw sa likuran pero... katulad lang din naman ng gagawin nila... ang gagawin ko.
Tinakluban ko muna ang katawan ko ng isang mahabang coat dahil hindi ako komportable. Nang makita ako ng coordinator ay muli siyang nagpaalala sa lahat.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
