Familiar
Noong umalis ako, isa lang ang hangarin ko. Actually, marami. At first, I felt bad about wanting so many things. Pero kalaunan, napagtanto ko... na walang masama na maghangad ng makabubuti para sa sarili mo. So, I continued dreaming. Even if it's so far away. I continued... despite the loneliness and pain.
Siguro dahil sobrang liit lang ng mga hinihingi ko kaya ito mukhang marami. Katulad ng kapayapaan, kasiyahan...at kalayaan.
Maliit na bagay lang 'yon na hilingin para sa iba. Pero para sa'kin... kailangan ko pang magsakripisyo. Kailangan mayroon akong bitawan. And I did... I did let go of someone because I cannot let him drown with me. He doesn't deserve it. Kaya lumangoy ako mag-isa... kahit na kailangan ko siya... para makahinga.
"Gusto mo yatang makarating ito sa itaas bago ka pumayag na sumama sa'kin?" ngumisi si Sir Enrico. "Sira ka nito. Pwede kang matanggal sa trabaho. Pinapangalagaan pa naman lagi ang mga bata sa bawat eskwelahan. Pagkakatiwalaan ka kaya ng mga magulang nila kung sakaling malaman nila 'to?" humalakhak siya.
He said that. He warned me. Ilang araw na niya akong binabalaan. He'd always interrupt my classes and say such things about my past. Habang kumakain ako, nakatitig siya. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit... ilan sa mga estudyante ko, ni hindi na ako matingnan ng kagaya ng dati.
Alam kong hindi niya naman alam pero... sobrang insensitive lang na halata namang ayaw kong pag-usapan... pero nagagawa niya pa ring i-discuss kahit sa harap ng mga estudyante ko. O baka siguro, dini-discuss na sa estudyante ko mismo.
Hindi ko naman 'yon tinago. Hindi ko 'yon ikinaila. Siguro dahil alam ko naman ang totoo. Sa lahat ng mga tao, ako ang may alam kung sino talaga ako. Kaya siguro... hindi ako kailanman natakot. I've been living while struggling... and in pain. Kaya kahit na anuman ang gawin niya, hindi ako natatakot na umalis at pumili muli ng lugar kung saan pwedeng mag-umpisa.
If people would ask me if it's hard to always leave... and then stay. Stay even if it's unknown. Stay even if it's not the place you want to be still. I would answer that it's painful. It is shallow. It is scary. Dahil sa tuwing may pipiliin kang lugar para manatili at mabuhay, iniisip mo pa rin na sana... maging maayos ang lahat. Maging payapa ka at malaya.
But now that I'm experiencing this again. Every blackmail that I have received from him... and all the naysays that my colleagues told me, I think... it's time to go again.
Hahanap ulit ako ng lugar kung saan pwede akong mabuhay ng tahimik. Wala nang pananakal. Wala nang takot.
I've had enough of being a person with leash. At mas mahirap, na ikaw mismo ang tumulong sa sarili mong alisin ang pagkakasakal na ginawa nila sa'yo.
I thought about it for two days. On weekends. Alam kong masyadong mabilis 'yon pero mahalaga sa'kin ang sarili ko. Natutunan ko sa nagdaang tatlong taon, pinakamahalaga... ang sarili ko. I don't care about the friends that I made... but quickly melted. If it's a friendship that can immediately break, I don't want it.
Sir Enrico went to me, Monday afternoon. Napatingin ako sa langit na ngayon ay makulimlim. Bumuntong hininga ako. Napag-isipan ko na ang lahat. I don't like this. I don't need any threats. Wala akong pakialam.
Humalukipkip siya habang ngumunguya ng bubble gum. He's looking at me like I'm his catch. Nahuli niya kahit na hindi niya itinali. Tinititigan niya ako na para bang tapos na ako... at hindi na ako makakatakas.
"Napag-isipan mo na ba? Siguro hindi ka nakatulog ng ilang araw, Ma'am." inilapit niya ang mukha niya. "Ang ganda mong babae pero manloloko ka-"
"I resigned."
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
Любовные романыIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...