Kabanata 41

6.4K 74 22
                                        

Lover

Natulala ako sa kaniyang likuran habang papunta siya sa kanilang table. And there I saw Pierce looking at his brother coldly... then to me. I saw how eyes widened for a moment before it turned ice cold again. Nanliit ang mga mata nito bago bumaling sa kaniyang kapatid at ngumisi.

Napalunok ako at sumimsim sa orange juice. Bakit siya nandito? Is this his way of resting? Hindi ko maalalang umalis kami at pumunta ng bar para lang makapahinga siya. But then again, it was a long time ago. Siguro... malaki na nga talaga ang pinagbago niya.

Napatingin ako sa harap. Gazell is still on her talking manner. Samantalang ako, wala na ulit sa sarili.

"I am now looking for someone better than him. Grabe! College pa tayo no'n pero ang tagal kong nakamove on!"

Umiling siya. Sinubukan kong iproseso ang sinabi niya para may masagot ako.

I tried to smile. "You have all the time in the world. Kahit dito, kung gusto mo, pwede kang humanap."

Paano ako? I also have all the time in the world. Bakit hindi pa ako humanap?

Tumingin siya sa kisame ng bar at nag-isip. "Hmm. I was actually trying to find a decent man. Hindi ko naman sinasabing hindi na agad disente kapag nandito siya. Pero... gusto ko lang makasigurado ngayon. It's tiring kapag on and off na naman ang relasyon."

Tumango ako at hinanap muli ang paningin ni Flame. He's now beside his brother. May ilan siyang kaibigan na kasama pero hindi ko 'yon kilala. Parang nilamon ng pait ang sistema ko nang makita na dalawa-dalawang babae ang kaakbay ng mga kasama niya. Iniisip ko tuloy... kukuha rin ba siya ng babae?

So, kung ganoon... aalis na siguro ako agad at lilipat ng lugar.

At hindi ko alam kung talagang nakakaliyo lang talaga ang bar dahil sa ilaw at malakas na tugtog pero... parang nakatingin lang siya sa'kin.

"Ikaw? Ano na bang tipo mo ngayon? Kumusta na si Edrix?"

I scoffed and laughed a little. "Wala 'yon. Gusto nga niyang dalhin ko si Verniece sa mall ng ganitong oras. I told him I'm going out alone."

"Nagtataka nga ako kung bakit ngayon ka lang nakalabas. Hindi naman kayo live in." nagtaas siya ng kilay. "Pwera na lang siguro kung... gusto ka na niya at gusto niyang mapalapit kang talaga sa anak niya."

Umiling ako. "Malapit ako sa anak niya pero hindi naman ibig sabihin no'n gusto ko siya."

She smirked. "Bakit nga ba hindi mo magustuhan? Hindi mo mapalitan si Monforte?"

Ngumuso ako. "Hindi ko alam. He's a nice guy. But lately... he's kind of off."

"Bakit?"

"At first I thought he's just telling the truth. Pero... kung totoo man 'yon, kailangan mo ba talagang sabihin 'yon?" natawa ako ng kaunti.

Kumunot ang noo niya. "Alin? Ano bang nangyari?"

Bumuntong hininga ako. "Well, I... saw Flame and things happened-"

Napaayos siya ng upo. "Ano bang 'things happened'! You need to tell me the details! Paano?!"

"We... talked." bumuntong hininga ako. "Nakita kami ni Edrix sa parking lot na nag-uusap. Then suddenly, bago umalis si Flame... h-hinalikan niya 'ko."

Nanlaki ang mga mata niya bago sumabay ang irit niya sa dumagundong na music sa bar! Hinampas-hampas niya ako kaya natawa na rin ako sa sobrang OA na reaction niya. Napatingin ako sa paligid para tingnan kung naririnig ba siya pero mukha namang hindi. I tapped her legs just for her to calm down but she laughed instead!

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon