Gush of fluids
"Pinagsabihan ko po ito, Sir. Masyado po kasing pang-sexy 'yong heels na 'yon kaya pinatapon ko na." halakhak ni Simon.
Napabaling ako sa kaniya dahil siya ang sumagot ng tanong. Hindi ko akalain na nakalapit na pala siya. Inakbayan niya ako kaya muntikan na halos akong matumba dahil sa gulat. Medyo marahas din kasi ang pagkaka-akbay niya.
So... gusto niya talagang ipatapon 'yon? Wala naman siyang sinabi kagabi pero kahit naman ayaw niya noon ay hindi ko pa rin kayang itapon. Mumurahing sapatos 'yon, oo, pero mahal na 'yon para sa'kin.
"Oh, really. Mukhang... masunurin pala itong... girlfriend mo?"
He looked at me intently. The smirk didn't leave his lips. Itinuon pa niya ang siko sa lamesa para mas matitigan pa ako ng maayos. Para bang pinagtatawanan niya ako dahil sa mga ginagawa ko. Sa pagsunod ko sa boyfriend ko.
His eyes were a different color. Kung titingnan, mukha siyang demonyo. And devils do look... beautiful... masking the mere fact that they're not nice. He can look at me and take away all I have... and I'll still be mesmerized. Pero syempre, hindi naman mangyayari 'yon.
Ang mga mata niya, parang tinutusok ang kaluluwa mo kung tumingin. Hindi pa nakakatulong na mahahaba ang pilik mata niya na lalong nakapagbigay sa kaniya ng matinding aura. Hindi ko maipaliwanag ng mabuti.
A thunder that gatecrashed heaven. A devil who escaped earth.
Matangos ang kaniyang ilong at manipis ang labi. His jaw were in a perfect shape. Ang buhok niya ay tumatama sa kaniyang mga mata at tenga na lalong nagpadilim ng aura niya. Matangkad siya na nakatulong sa aming lahat na nakaupo siya ngayon dahil mas mukha siyang intimidating kung nakatayo siya.
"Opo, Sir, kaso lang... pumalpak po kagabi. Pinagsabihan ko na po kaya ngayon nakaganiyan na lang." ngisi ni Simon.
Hindi ko maalis ang titig ko kay Flame. Hindi rin niya kasi maalis ang tingin niya sa'kin. Bumagsak ang mga mata niya sa paanan ko bago lalong ngumisi pabalik sa mukha ko.
"Buti hindi nasasakal?" singit ni Pierce.
Ngumiti siya sa'kin kaya napangiti rin ako. Kumpara kay Flame, mas maamo ang mukha nitong si Pierce kaya pakiramdam ko, nakapagpahinga ang mata ko nang dumapo sa kaniya.
Dahil bumaling sa akin si Simon dahil sa ginawa ko, napayuko ako.
"Takot lang nito, Sir, na iwan ako."
Napangiti ako habang sinabi niya 'yon. Totoo nga naman, bukod sa takot ako sa ipis... takot rin akong mawala siya.
He's the one who lifted me from being buried alive. Ang hirap mawalan ng magulang pero binigyan niya ako ng pag-asa. Sa pagkupkop pa lang niya sa'kin, sa pagpapa-aral at pagpapakain, isa 'yon sa mga bagay na hindi ko kayang bayaran kahit na mamatay pa ako o ialay ko ang buhay ko sa kaniya.
Umalis na kaming dalawa para mag-lunch. Wala nang utos ang amo niya kaya nakalabas siya ng maaga. Minsan kasi, hindi naman siya nags-stay sa mansion dahil minsan raw hindi naman gusto ng dalawang amo niya na may mag-drive para sa kanila.
"Saan tayo kakain?" tanong niya.
Nagliwanag ang mga mata ko nang tanungin niya ako.
"May bagong bukas na stall malapit sa eskwelahan namin. Tara doon!"
Hindi niya ako agad binalingan. Parang nag-iisip din siya kung saan ba talaga kami kakain, kahit na tinanong naman niya ako.
"Uy!" kulbit ko sa kaniya.
"Ha?"
"Malapit sa school namin, may bagong bukas!" excited kong sabi.
Nalukot ang mukha niya. "Hindi ba nakakasawa doon? Lagi na lang gano'ng pagkain ang kinakain natin."
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
