Kabanata 36

6.2K 70 3
                                        

Once

I didn't know if I was doing the right thing.

Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon, sinamahan ko si Edrix at Verniece para makapaglaro sa park. I felt uneasy being on the passenger seat. At sa totoo lang, marami akong naalala. I just got distracted by Verniece because she's so happy that she asks me so many questions. At kahit na hindi pa naman ako nagdedesisyon, parang alam na niya kaagad na papayag ako.

I am surprised that I'm actually considering it. If this was two years ago, you'll never see me here. You'll never even see my shadow. Dahil noon, kapag naisip kong umalis at maging mag-isa ulit, hindi na ako nagpapapigil.

O siguro, gano'n naman talaga kapag wala ka namang maayos na plano. Wala kang sinusundan na direksyon. Mabilis lang magdesisyon kasi ikaw lang naman mag-isa.

But I think it's fine. I don't think a person got it all figured out. Kaya siguro, hindi naman masamang sumabay na lang sa agos.

"Ano ka ba?! Okay na rin 'yan! Patingin nga ako ng picture niyang si Edrix!"

Napairap ako sa sinabi ni Gazell sa kabilang linya.

Naisip kong tawagan siya dahil napapaisip pa rin ako. Oo at maayos naman na biglang may trabaho agad na lumapit. Nag-aalinlangan lang ako dahil maninirahan na naman ako sa iba. Makikisama. I fell in love with freedom that having someone in the same house... kinds of freaks me out.

"Gaga ka! Ba't kailangan pa ng picture? Tinatanong ko lang naman kung tama ba ang desisyon ko."

Tumawa siya sa kabilang linya. "Para makita ko kung ayos ba. Syempre titira ka sa bahay niyan. I-expect ko na na baka tirahin ka-"

Namilog agad ang mata ko at medyo lumayo kila Edrix. I saw him looking at me. Ngumiti ako at tumalikod.

"Shh! Ano ba?! Tingin mo ba kaya kong gawin 'yon?"

"Ikaw siguro hindi mo kaya. E, 'yang Edrix? Kaya ba?" I can almost see her shaking her head. "Kaya patingin ako ng picture! Para kung sakaling ayaw mo, bigay mo sa'kin!"

Umirap ako habang nangingiti. Ilang taon na ring single ang babaeng 'to at nasaktan rin ng husto kaya nang mag-heal... biglang naging malandi ulit. Ibang-iba sa dating sobrang loyal at tatahi-tahimik.

Pero ayos na din. Ewan ko ba pero kahit siya lang naman itong broken hearted nang panahon na 'yon, kasama ako sa hindi makatulog kasi kailangan ko pa siyang patahanin.

Napatingin ako sa mag-ama na ngayon ay nasa slide. Edrix is guiding his daughter while Verniece is trying to have fun. Tinaas ni Verniece ang kaniyang kamay habang hinahayaang dumausdos sa slide. Edrix' hand is on thin air hanging. Para kung sakaling may mangyari, aalalayan niya si Verniece.

Napangiti ako sa nakita, kaya habang hindi sila nakatingin sa'kin, kinuhanan ko na agad ng litrato si Edrix.

"Nakuha mo?" tanong ko nang mai-send ko na sa kaniya.

"Saglit."

Napapikit ako sa tili ni Gazell at kung hindi ko pa nahawakan ng maayos ang cellphone ko, baka nahulog na 'yon!

Napatingin sa akin si Edrix. I tried to compose myself and just smiled at him before turning around at him again. Sigurado ako, kahit na medyo malayo ako sa kanila ngayon, alam kong rinig ang tili nitong si Gazell!

"Malandi ka! Ang gwapo pala ng taong 'yan! Ahh!"

Marahas akong napabuntong hininga kasi napapalayo na kami sa topic! "So, ano? Ayos lang kaya na magtrabaho muna ako sa kaniya?"

Pinahupa muna niya ang tili niya sa kabilang linya bago ako sinagot. Hingal na hingal siya pagkatapos.

"E, 'di ba, sabi mo naman wala ka pang plano. Nag-empake ka lang pero hindi mo naman alam kung saan pa pupunta?"

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon