Kabanata 23

6.7K 116 22
                                        

Better Man

"P-Pwede na po kayong p-pumunta sa opisina niya, Ma'am. Hindi po siya natanggap ng tawag kapag break time p-pero... okay lang po kung k-kayo."

Ngumiti ako sa kaniya. "Saan ba ang opisina niya? Ngayon ko pa lang kasi siya dadalawin."

Namumutla siya lalo. "S-Someone will assist you, Ma'am."

Umalis na rin ako nang makitang hindi na siya halos mapakali. Tumango ako at sumunod na lang sa lalaking gumigiya sa'kin. Hindi rin ito nagsasalita kaya hindi ko na rin pinilit. They seem... very formal. Ang hirap mag strike ng conversation. Ito na rin siguro ang matagal ko nang iniisip. Dahil nga girlfriend ako ni Flame, maganda ang tungo sa'kin.

Sa pinakadulong floor pala ang opisina niya. Mas tahimik doon kumpara sa ibang floors. Wala rin gaanong tao at mukhang... para kay Flame at sa pamilya niya lang ito. Napayuko ako nang nagtinginan ang mga empleyadong naroon nang bumukas ang elevator. It was weird and awkward for me to receive a lot of stares. Para bang mabilis na kumalat ang balita na kahit naglalakad lang naman ako, maraming bumabati sa'kin.

"Dito po ang opisina niya." ngiti sa'kin ng empleyado.

Tumango ako. "Salamat."

Tiningnan ko ang frosted glass door ni Flame. Mukhang hindi nga nila ginagalaw 'yon lalo na't lunch time. Hinayaan na rin ako ng empleyado kaya kahit na parang kinakabahan ko, binuksan ko na ang pinto.

Bumungad sa'kin ang gwapong mukha ni Monforte. Napangiti ako nang makitang sobrang focused niya sa ginagawa na hindi na siguro siya magla-lunch. His eyes didn't lift even though someone walked in. Masama ang tingin niya sa laptop niya. Napangiti ako lalo dahil alam kong hindi talaga siya galit, he's just like that.

"May inutos ba ako? Who told you-" masungit niyang sabi.

Nag-angat siya ng tingin at nanlaki agad ang mata niya nang makita ako. I giggled when I saw how his eyes widened. It was adorable. Hindi na niya natuloy ang sinabi niya nang tumayo na siya at kinain ang distansya naming dalawa. Natawa pa akodahil sa sobrang bilis no'n, ako naman ang napahakbang palikod.

I smiled. "Oh? Papagalitan mo din ako kahit hindi mo ako empleyado?"

He bit his lower lip. "N-No but... you should be punished for making me feel this way!"

Natawa ako. Kitang-kita kong para siyang namumutla. He was so shocked that even his touch were shaky. Hindi makapaniwalang nandito nga talaga ako. Hinampas ko ang dibdib niya dahil pakiramdam ko, ang OA ng reaction niya. Well, if he really likes me, he should act this way.

"Sorry. I just wanna make it up to you. Hindi kita kinausap ng ilang araw." ngumuso ako.

Tumango siya at napalunok. "I know. I understand. Is this because of... my confession?"

Napaisip ako. "Yes and... no."

He didn't move. He was just staring at me. Hinihintay ang paliwanag ko.

It kind of stunned me a bit. That he's this eager... to listen to me. Kahit gaano katagal. Kahit gaano ko katagal iproseso ang lahat. He'll stop and listen just for me to have my floor. Hindi niya ako puputulin, bagkus... hahayaan.

Hindi ko tuloy alam kung deserve ko ang lahat ng ito na maranasan. I was kept quiet for years that it is addicting to have your freedom back. Na ngayon, kayang-kaya na akong mapakinggan. Kaya ko nang magsalita... ng hindi pinipigilan.

Magsasalita na sana ako pero napatingin ako sa katawan niya. Hindi ko maiwasan na hindi mapansin ang suot niya. Wala ang coat niya at nakalagay sa kaniyang swivel chair. Naka long sleeves na lang siya ngayon na nakatupi hanggang siko pero... gwapo pa rin siya.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon