Buried
Dinala ako ni Flame sa isang restaurant. After I decided that I'll live with him, we were silent on the car ride. Lumilipad sa isipan ko kung ano'ng nakita ko sa bahay ni Simon. Hindi ko gustong isipin kung ano'ng nangyari sa kanilang dalawa pero mukhang obvious na at totoo na.
It was so painful that I can't even talk about it. Ni hindi ko makayanang isipin. Ang mga mata ni Simon at ang hitsura ni Glenda, para akong binaril. Hindi ko alam kung tama pa bang hindi ako sumugod kanina dahil pakiramdam ko... niloko ako at ginamit. Pero dahil sobrang hirap sa pakiramdam, ni hindi ako nakagalaw.
We were accompanied on a VIP room. Hawak ni Flame ang bewang ko kaya hindi ako halos makagalaw ng maayos. His hand were so gentle that it made me uncomfortable. Hinayaan ko lang siyang gawin 'yon kahit na ganito ang nararamdaman ko.
Namangha ako nang makitang kami lang dalawa ang kakain doon at wala nang iba. Maraming nakatingin sa'min habang papasok kami rito pero diretso lang ang tingin ni Flame. Mukhang sanay na sanay na siya sa ganitong treatment kaya parang wala lang sa kaniya. Meanwhile, there was me... I can't even process everything. Na... mararanasan ko palang makakain sa ganito.
I looked at him when we were seated. He was treated like a real important person. Dekalidad na lalaki. Para bang de-numero ang mga galaw ng kumakausap sa kaniya at parang ayaw na magkamali. He nodded when the waiter says something, payak naman na ngumiti ang waiter.
"My assistant will head here first. May mga itatanong siya sa'yo."
Kumunot ang noo ko. "Assistant? Para saan?"
"You will be living with me, right?"
Napalunok ako. Nakatingin ang ilang tauhan sa'kin na para bang naghihintay ng sagot ko. Parang ngayon lang nagsink-in sa'kin na pumayag nga pala akong tumira kasama siya. Nagtaas siya ng kilay. Naghihintay ng sagot ko.
Tumango ako. "Bakit raw ako kakausapin? May bayad ba ang paninirahan ko sa'yo?"
"None. I don't want us to return to your ex's house, so, we need to buy all your clothes."
Nalaglag ang panga ko. Napatingin ako sa isang lalaking pumasok na sa VIP room, may dalang isang listahan at tumango sa'kin. He immediately asked me about everything I wanted for clothes. Napanganga ako. Hindi agad nagproseso ang utak ko kung ano ba dapat ang isasagot.
"Ma'am, I just need everything you wanted for your clothes' style. Your sizes and such."
Napalunok ako. Ni hindi ko maisip kung ano bang klaseng damit ang mga gusto ko. But then there was a pressure on me that I need to say something because he's waiting!
Hindi naman niya ako pinagmamadali pero ganoon ang nararamdaman ko.
Sinabi ko na lang ang mga tipikal na gusto ko noon. Hindi kasi ako rough manamit. I just wanted a soft kind of style and a flowy ones. Hindi ako mahilig sa mga mabibigat tingnan sa mata. Mabilis ko lang sinabi ang mga 'yon dahil nakikinig si Flame at nahihiya ako.
"How about your cup size, Ma'am?"
Naestatwa ako at napatitig sa assistant na ngayon ay parang wala lang sa kaniya ang itinanong niya. Napatingin si Flame sa dibdib ko at binasa ang labi. Natutop ang bibig ko at hindi na nakapagsalita. I can't even say anything! Siguro dahil dalawang lalaki ang nasa harapan ko ngayon at ang iba na nasa malayo ay pasimple ring nakikinig.
"Buy every size. Siya na ang bahalang pumili mamaya."
Tumango ang assistant at tumingin sa'kin. "Okay, Ma'am, your clothes will be delivered to your penthouse today. Thank you!"
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
