Kabanata 3

7.9K 96 16
                                        

Number

"Bakit hindi niyo sinabi agad?" tanong ko, nanlalaki ang mata. "N-Naubos ko na po ang cheesecake, Sir. Sayang naman po."

"Why would it be? Kinain mo naman." He licked his lips. Nagtaas siya ng kilay. "Why? Do you have plans with him?"

Umiling ako at sinapo ang ulo. "Kinain ko lahat ng cheesecake na nandito tapos wala naman pala akong pakay?"

Napailing-iling ako. Sa sobrang frustration, hindi ko alam kung aalis na ba ako o magso-sorry muna.

I know that this isn't a big deal for him. Hindi big deal ang pagkain dahil marami naman silang pera na pambili. Hindi naman kasi 'yon ang iniisip ko. We were never friends. Kailan lang kami nakapag-usap at sobrang awkward pa... tapos ngayon, pumunta pala ako dito para lang makapag-meryenda?!

Sure, he knows what my agenda is... pero nakakahiya pa din!

Bakit naman kasi hindi man lang siya nagsasabi? Kanina pa pala wala si Simon at tanghali niya ako nakita sa village pero hindi man lang niya sinabi!

"I forgot about it. I don't think of your boyfriend for twenty-four seven."

Napapikit ako. May point pero alam naman niyang kaya lang naman ako pumupunta rito ay dahil kay Simon! Noong unang kita niya sa'kin na naglalakad papunta rito... hindi ba niya naisip agad na wala naman si Simon... at pwedeng pinauwi na lang niya ako?!

Napatingin ako sa kaniyang nakatitig lang sa'kin habang hinihimas ko ang noo. I suddenly remember who he was. He is my boyfriend's boss, kaya bakit parang ako pa ang boss kung makaasta? Wala siyang pakialam kung hindi mo alam!

"O-Okay po." sabi ko dahil ayaw ko namang manisi pa. "U-Uhm, aalis na rin po pala ako. Wala na rin kasi akong gagawin kung... wala pala dito si Simon."

"Why? Do you have plans? Pwede ko siyang... tawagan." he said darkly.

Tinitigan ko siya. Nahihiya na talaga ako na ang kapal ng mukha kong magpaalam pagkatapos lantakan ang mga pagkain. Para akong nag eat and run dito. Pwede naman sigurong umalis ako kapag pumasok na siya sa mansion? Tapos magpaalam na lang ako sa kasambahay na nauna na ako?

"Oh s-sige. Kung pwede." sabi ko.

He then grabbed his phone and dialed Simon's number. Hindi man lang siya umalis sa kinauupuan niya! Bakit ko nga ba iisipin na aalis siya dahil lang may tatawagan? E, boyfriend ko naman ang tatawagan niya!

Ilang beses nag-ring ang phone. Dumating ang ilang kasambahay at naglagay pa ng cheesecake sa plato ko. Pakiramdam ko malalaglag na ang iba sa sobrang dami niyon pero nararamdaman kong kaya ko pang ubusin ito.

"Salamat po, ate." ngiti ko.

I felt Flame's eyes turned to me. Nang bumaling nga lang ako sa kaniya ay bumaba ang tingin niya muli sa kaniyang phone.

Tiningnan ko ang plato na kalalagay lang ulit ng panibagong cheesecake. Napalunok ako nang makitang focused si Flame sa pagtawag kaya kumuha pa muna ako ng isa habang hindi siya nakatingin.

"I think he's busy. My brother attended an important event for our business. Kumain ka muna."

Napatingin ako sa kaniya. Saan kaya? Bakit hindi siya kasama? Napalingon tuloy ako sa mansion nila na nasa harap ko lang. It was huge that I felt overwhelmed just looking at it. Pinagsamang gold and white ang tema ng bahay. A lot of hanging plants on the sides of their mansion. Mukhang lumang bahay pero sobrang linis at maganda.

"Hindi po ba pwedeng gumamit ng cellphone ang driver kapag nasa mismong event?"

He looked at me. "Well, it depends."

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon