Impossible
Lumakad siya paharap sa'kin. Lahat ng inis dahil sa biglaan nilang pagpasok ay nawala. Gulat akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakabawi na. He's now looking at me with rage in his eyes. Na kahit pa nagkakilala naman na kami noon, kung tingnan niya ako ay para akong masamang tao.
"Why did you take my daughter?" sabi ni Edrix sa malalim na boses.
Napabaling agad ako kay Verniece. Noong una ay nalito pa ako dahil sa sinabi niya. Pero nang makita ko ang pagkakapareho ng mga mata nila, napagtanto kong... siya nga ang ama ni Verniece. And... a man will never barge into a house... armed... if... his child isn't inside!
Ang bobo mo naman, Hardin! Oo nga! Mag-ama nga!
Halu-halo ang naramdaman ko sa sinabi niyang 'yon. So, now... he has a daughter? A... five year old daughter? E, hindi ba... three years ago lang kami nagkakilala? At noong panahon na 'yon, they friend groups are all single! He even participated on night outs with Pierce. Sa panahon ba na 'yon, alam niyang may anak na siya?
Itinaas niya lang ang kamay niya at umalis na lahat ng guardia sa bahay ko na para bang walang nangyari. Nakahinga ako ng malalim nang makitang wala na silang bakas.
"Edrix?" bulong ko. "I didn't know you have..." I trailed off.
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Mukhang nagulat din siya dahil naaalala ko pa. It was just a one time meeting. Doon sa penthouse ni Flame.
"Hardin, I am asking you-"
"She didn't take me, though." maarteng sagot ni Verniece.
Nakatitig ako sa mukha niya. Maraming nagbago. His face weren't as bubbly as before. Noong unang nakita ko siya, panay ang ngiti niya. Now, his forehead were creased the whole time he's scanning my whole being. Nararamdaman ko ring hindi na niya gusto pang magtagal dito sa bahay ko. He wants to take his daughter immediately. Pero dahil nakatago pa rin nga si Verniece, hindi sila makaalis.
Napalunok ako at nagsimula nang magpaliwanag.
"I didn't take her. Palagi ko siyang nadadatnan sa kanto kaya sinasamahan ko rin siya sa paghihintay ng sundo niya. Natyempo lang na... umuulan ng malakas at wala siyang payong kaya siya nabasa. I asked her-"
"She's five years old. Ano bang malay namin kung pinuwersa mo ang anak ko?" tumaas ang boses niya na ikinagulat ko.
Nakaramdam ako ng insulto sa sinabi niya. He looked at my place once again then stared at me like I'm some sort of a fucking trash. Nawala ang lahat ng gusto kong ihain na respeto sa kaniya dahil doon. Napatigil nga lang ako nang maalalang... kaibigan nga pala siya ni Flame.
Maybe he heard something about me.
Tumango ako. Naiintindihan siya. "You can ask her. Iuwi mo na siya. Wala naman akong intensyon na masama. I didn't hurt her."
Nag-iwas ng tingin sa akin si Edrix. His daughter is still hiding behind me. Nakahalukipkip.
"Ang tagal-tagal lagi ng sundo kong dumating, tapos ngayon... maninisi ka ng iba kapag inaalagaan ako." her eyes teared up. "Kung ayaw mo akong nawawala, dapat ikaw na lang ang nag-aalaga at sumusundo sa'kin!"
Napaupo ako ulit para tingnan siya. I rubbed her arms and brushed her hair through my fingers. Nang maramdaman niya 'yon, lumambot ang ekspresyon niya. She even leaned to me and accepted my hug. Nag-angat siya ng tingin kay Edrix at napalitan muli 'yon ng masamang tingin.
"I-I'm busy, Verniece." hindi makatingin si Edrix. Naghahanap rin siya ng salita. "It's all for you. that's why... you have all your nannys. Para habang nagwo-work si Daddy, naaalagaan ka pa rin."
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
