Birthday Boy
Habang nasa loob na ng emergency room si Lola Ruse, I can't help but remember my parents. Nang mawala sila... sobrang sakit, sobrang hirap. Until now, everytime that moment flashes into my mind, it still hurts me. Isang pana pa rin ang tumutusok kahit na taon na ang lumipas. Hindi rin nakatulong na sobrang bata ko pa no'n. Natatakot akong maiwan mag-isa. Natatakot akong mawala sila. It was so traumatizing that I can't even cry right now while Lola Ruse is in the emergency room. Hindi ko magawang makagalaw dahil sa mga naaalala ko.
So, I understand why Simon is acting this way. Kanina pa siya lakad ng lakad sa labas ng emergency room. Pabalik-balik. Nilalaro niya ang ibabang labi niya habang umiiyak at kinakausap ang sarili. Glenda is with him. Sumasabay sa palakad-lakad niya. She looks worried about him. Medyo basa ang pisngi niya dahil sa pag-iyak kasabay ni Simon.
And honestly, it hurts seeing them this way. Na para lang akong nanonood ng isang palabas. Ako dapat ang dumadamay kay Simon sa mga ganitong pagkakataon pero siya ang nandito. Ni hindi ako makalapit. Parang... mali kung iistorbohin sila.
Na parang wala akong karapatan.
I can't even move. Ni hindi ko magawang i-comfort ang boyfriend ko dahil sa sarili kong pagka-balisa at kaba. Gustung-gusto kong agawin ang pwesto ni Glenda ngayon pero parang mali pa ang oras at pagkakataon. I know that there are a lot of emotions with Simon right now. Galit siya sa sarili niya, and at the same time... he's worried about his grandma.
Ayoko nang dumagdag pa dahil lang sa nagseselos ako.
"Simon, just sit down. Magiging maayos din si Lola. Calm down."
Nagpatuloy si Simon sa paglalakad ng pabalik-balik pero tumigil siya saglit para harapin si Glenda.
"How can I calm down? Kinakabahan ako. I can't let this happen. Hindi ko kayang wala si Lola!"
Glenda nodded attentively. As if his heart were connected to hers.
"I understand. But please, calm down."
Umiling si Simon. "I don't know what to do. I don't have the money to pay for all this! Ni wala akong naipon dahil hindi ko akalaing may mangyayaring ganito!"
Napapikit ako. Yumuko ako nang maisip na isa nga pala ako sa pinagkaka-gastusan niya. Isa sa mga dahilan kung bakit wala siyang naiipon. Isa sa dahilan kung bakit siya nahihirapan. I bit my lower lip. Ayoko nang masigawan. Ayoko nang masisi. If I was brave a while ago, ngayon ay hindi na. Naubos na lahat at ayoko nang makipagtalo pa.
"We can figure it out. May naipon ako. I have my colleagues. Tutulungan ka namin." she said in a weak voice.
Napatingin siya sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa totoo lang... wala din akong maitutulong. Hindi ko rin kasi alam... na may mangyayaring ganito.
And it hurts to feel this way. I am ashamed that I can't even provide. Wala talaga akong mailalabas. Kaunting ipon lang pero sobrang kulang pa para sa panggamot ni Lola.
Ilang oras ang lumipas nang lumabas na ang doktor. Mabilis na lumapit si Glenda at Simon. I was about to stand up because I also wanted to hear the doctor's findings but Simon's death stare attach stopped me. Tiningnan ko siya sa pagod kong mga mata. He didn't flinch. Hinintay niya akong makaupo ulit bago niya balingan ang dokto.
Oo. Masama ang tingin niya na alam ko na ang ibig sabihin. That I need to back off.
I bit my lower lip and slowly sat. Hindi ko mapigilang hindi makalikha ng mga salita sa isipan ko. I want to tell them that it wasn't my fault. Pero parang... sa akin pa sila galit.
Pinakinggan nilang dalawa ang sinasabi ng doktor. I also wanted to hear it but I just can't. Medyo malayo ang kinauupuan ko sa kanila. Nang makita kong sinapo ni Simon ang kaniyang noo at nagsimulang umiyak... parang doon lang ako nagkaroon ng ideya.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomantikIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
