Reception
"Ngayon lang ako... nakatawag sa'yo pero... sana... tanggapin mo pa rin ang pabor na hihingin ko sa'yo."
Isang tawag ko pa lang sa kaniya, tumugon agad siya. Sinabi kong magkita kami sa harap ng school dahil may gusto akong hingin na pabor. I don't really have much time to think. Ni wala akong maayos na pag-iisip ngayon sa sobrang gulo pero... siya ang kauna-unahang tao na sumagi sa isip ko sa desisyon kong ito.
She's the only person I know that will never betray me. It's sad to think that I only have one person. Pero ayos na din kaysa wala.
Kung sakaling may hihingin akong pabor, alam kong hindi niya ako bibiguin. Kaya kahit na nahihiya na akong makiusap sa kaniya dahil na rin sa ilang buwan kong hindi pagpaparamdam... sa kaniya pa rin ako humingi ng tulong.
"Ano bang nangyayari, Hardin?! Hindi ka nagre-reply sa'kin tapos bigla kang magpapakita ng ganito? Pugto ang mata at parang pagod na pagod! Paos ka pa yata dahil hindi naman ganiyan kahinhin ang boses mo! Kinakabahan ako sa mga sinasabi mo!"
I smiled at her sadly. I agree with her. I am so guilty that I just showed up when everything's falling. When everything is not working well. Pero noong masaya ako kasama si Flame, ni hindi ko man lang siya nasabihan o nakumusta. Ni hindi ko siya binalitaan.
Ayaw ko na sanang pahabain pa ang usapan. I wanted to leave immediately. I want to be far away. Being here any longer makes me want to vomit. It's sickening. Kung magtatagal pa ako, parang lalo akong nalulungkot.
Dahil kung hindi ko gagawin ang paglayo, hindi ako magiging payapa.
Simon and his family will haunt me. Hindi ko alam kung ano'ng dahilan nila kung bakit ginagawa nila sa'kin 'to. May kaunti akong hinuha kung bakit nagkakaganito si Simon pero hindi ko na tinatanggap 'yon. Kung mahal niya ako, hindi ko na gusto pang tanggapin 'yon.
Akala ko noon, pagmamahal niya lang ang kailangan ko. Na kapag nawala si Glenda at naiwan na siya sa'kin, magiging ayos na ako. Pero... sa pagdaan ng panahon, napagtanto kong... hindi ko siya kailanman naging pangarap. Hindi ko siya pinangarap. At hindi ko kailanman papangarapin.
I convinced myself that he's the one who'll save me from this failing life of mine. Pero... malayung-malayo 'yon sa mga nararanasan ko ngayon. Turns out, he'll be the one pulling me down with him. At doon, gusto niyang manatili kaming dalawa.
I'm so hurt. I am pained. Sa sobrang sakit ng ginawa nilang ito, ayoko na lang dagdagan. I just wanted to get away and forget everything. Kung hindi ko man makalimutan, sana lang... maghilom ako kalaunan.
"Hindi ko kasi alam kung... paano magkukwento. Hindi ko alam kung... paano magsabi."
Napasinghap siya. "Kaibigan mo ako! I will never judge you! Kaya... ano 'to? Ano bang sasabihin mo, kinakabahan na ako!"
I lend her the phone that Flame gave me. Ngumiti ako habang pinagmamasdan 'yon. It was his gift to me, so it's hard for me to let go of it. Pero... ito na lang ang kaya kong ibalik sa kaniya para mapatunayan kong hindi pera ang habol ko. Hindi ko na rin kasi alam kung paano. But then... the ring... I cannot give it back.
I so love to remember his proposal that... I cannot even take it off. Pero kung... sakaling si Flame mismo ang kukuha nito sa'kin... ibibigay ko. Siya lang ang may karapatang mag-alis nito sa'kin... dahil siya lang ang binibigyan ko ng karapatan.
At h'wag siyang mag-alala dahil... maghirap man ako sa pupuntahan kong lugar... hinding-hindi ko 'to gagamitin para lang guminhawa. Maglilinis ako ng putik habang suot ito... pero hindi ko kailanman ipagpapalit sa marangyang pamumuhay.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
