Mine
"Don't fucking look below my belt. Don't even fucking try to cloud my mind."
Napakurap-kurap ako at tumingin sa kaniyang mata. His eyes were burning. Napahakbang agad ako patalikod dahil sa nagawa. Pakiramdam ko, parang lalo... siyang nagalit.
"Bakit k-ko naman iisipin 'yon?"
Nagtaas siya ng kilay. He smirked. But I can still see how mad he is. Kitang-kita ko kung gaano katalim ang mata niya na nakatingin sa'kin. My chest started to hurt as I see those eyes. Malayung-malayo kung paano niya ako tingnan noon.
But still, I understand. Kasalanan ko, kaya dapat kong tanggapin.
Napatingin ako sa lupa ng parking lot. It somehow crossed my mind that it's easier if I run. Kaya lang, iniisip ko pa lang ang gagawin, humawak na siya sa agad sasakyan sa gilid namin para hindi ako makadaan.
"Why are you looking, then? Hindi ka ba pinapansin ng boyfriend mo dahil busy siya sa anak niya?" puno ng hinanakit ang boses niya.
I saw his eyes bloodshot. Kumunot ang noo ko. Napakurap-kurap nang mag-isip kung sino ba ang tinutukoy niya.
"Sino?" puno ng kuryosidad ang boses ko.
Tumalim lalo ang tingin niya. He looked at me like I was a fucking joke. Na sobrang bobo ko. Napalunok ako dahil sa pag-iisip kung may mali ba akong sinabi. Pero halos masampal ko ang sarili ko nang maalalang mag-ama nga pala ang pinaglilingkuran ko ngayon!
"If only I knew that you two would betray me one day, I could've killed him myself."
"Si Edrix?" puno pa rin ng pagtataka ang isip ko. "Hindi ko siya b-boyfriend."
Nagtaas siya ng kilay. Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil sa pag-iisip ko. Napanguso ako nang inalala kaming dalawa ni Edrix. Because... we don't even talk much. Nag-uusap lang patungkol kay Verniece o kaya ay sa umaga kapag kami lang dalawa. But... we talk with no attachments. Walang landi doon!
Edrix and I are so busy with our lives that I didn't even care about who he dates. Hindi ko alam kung hinahanap pa rin ba niya ang Mommy ni Verniece o may kinikita na ba siyang iba. Wala naman akong pinakekelaman sa kaniya kaya bakit ako nasasabihan ngayon na boyfriend ko siya?
"Did he ask you to lie?" he smirked warily. "Is he the type who wants his relationship private? Katulad na katulad ba ng una mong ex-boyfriend? Wow, I didn't know that you have a fetish."
Parang may kung anong tumama sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"H-Hindi ko siya boyfriend." bulong ko.
"I'm not dumb and I'm not a blind fucker. Bakit kayo magkasama ngayon? Nawala ka kasabay ng pagkawala ng gagong 'yon-"
Napaawang ang labi ko. "He's your friend."
"I DON'T CARE!" sigaw niya na umalingawngaw sa buong parking lot.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sigaw niyang 'yon. Taas baba na ang kaniyang dibdib habang nanlilisik ang mga mata.
"Not anymore! Friends don't do shits like this! Not on my watch! Kaya bakit kayo magkasama ngayon?!"
Tinanggal na niya ang hawak sa sasakyan. Akala ko ay dahil aalis na siya pero nagulat ako nang sinuntok niya 'yon ng napakalakas!
I shrieked! Nabasag ang headlight ng sasakyan sa likuran. Taas-baba ang dibdib ko habang pinapanood ang mga bubog na magkalat sa sahig. I saw how his fist turned red. His veins were protruding! Kaunting-kaunti na lang ay dudugo na!
"F-Flame." tawag ko sa kaniya dahil sa takot.
Humalukipkip siya at naghintay ng sagot. Hindi nawala ang titig ko sa kaniyang kamao na ngayon ay nagdudugo na. I looked at his face and I saw how it didn't even bother him. Ni hindi siya nanghina! Wala lang sa kaniya! Parang walang nangyari!
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
