Kabanata 27

740 10 0
                                    

Quiet

"We don't need to do this. Naipaliwanag mo na kung bakit. Hindi na kailangang ipakilala pa ako!"

He didn't listen. Ilang beses ko na itong sinabi sa kaniya mula pa kanina. Pero wala siyang sinabi at dumiretso lang sa kwarto niya para magbihis. And there I was, even if I'm changing my clothes... I still don't wanna go!

Hindi naman dahil sa pangit na dahilan. It's just that... I don't have any achievements. I'm not even done with school. Wala akong... masasabing kahit na ano dahil wala namang meron sa buhay ko!

Nagtaas lang siya ng kilay sa'kin. Nakabihis na siya at matapos lang ako dito sa pagra-rant ay pwede na kaming umalis. I looked at him. He's wearing a black shirt that is tucked in on his black trousers. May itim rin na belt. The sleeves on his shirt hugged his biceps beautifully. Na kahit na simple lang ang suot niya, napakagwapo niya pa ring tingnan.

He looks like an impossible mafia in front of me. Katulad ng mga nasa libro at movies. Imposible dahil pakiramdam ko, hindi kayang maging ganito ka-perpekto ng isang mafia. Hindi pa nakatulong na titig na titig siya sa'kin ngayon... wala naman siyang gagawing masama pero... tumataas na agad ang balahibo ko.

And how the hell am I this attracted whenever reality hits me that he's a damn businessman!

Posible ba 'yon? Matalino at gwapo? Saan ba nakakapulot no'n?

I bit my lower lip. But here I am, looking straight into his eyes... throwing a tantrum. Ni hindi ako makapagpasalamat!

Kung malaman lang ito ni Gazell, hindi ako titigilan no'n na pagsabihan dahil sa ginagawa ko ngayon sa kaniya.

"You look beautiful," he said, ignoring everything I said!

Napaawang ang bibig ko. Napatigil. I felt frustrated that he didn't even flinch. Na parang kahit na anumang gawin ko ngayon, ipapakilala na niya talaga ako sa mga magulang niya. Handa man ako o hindi.

I was just wearing a white button down long sleeves, twice my size. Tucked in on my jeans and my hair just falls down on my shoulders. Wala na akong inayos doon. Humalukipkip ako at ngumuso nang makitang hindi niya talaga ako pinapakinggan!

"Baka iniisip mong nagbihis ako dahil handa akong makilala ang parents mo." ismid ko.

He smirked. "So, bakit ka nagbihis? You just did it for me? Baby, you don't-"

I scoffed. "Some girls don't wear clothes for the sake of other people. Isa ako doon."

Tumango siya. "Then tell me why did you dress up? I mean, you have a choice."

Natanggal ang pagkakahalukipkip ko. "Anong may choice? Umalis ka na lang bigla! I don't even know if you gave them a heads up, na pupunta tayo. So, I don't know if I should get ready, quick. Kaya kahit na ayaw ko, ayaw ko rin naman silang paghintayin!"

Lumapit siya sa'kin. Sa pagtayo pa lang niya, parang nahirapan na agad ang postura ko. His built made my feminine senses froze. He leaned in and I started to feel something hot on the inside.

"I just want them to know my girlfriend. They were asking who you were. Wala namang masama na ipakikilala kita. And besides... you wanna know something about the closet. Ayokong ako ang magpaliwanag no'n."

Inirapan ko siya. "Alam mo, hindi naman kailangang gawin na komplikado ito. Sabihin mo na ngayon! I will believe you!"

He smirked and touched my chin swiftly. "I know you would but... I want a genuine answer for you. You deserve the best. Ayokong magduda ka sa'kin."

Hinila niya na ang kamay ko. His hands were warm. Kumpara sa kamay kong parang inilagay sa ref sa lamig. He can tell that I was so nervous. Kaya nang maramdaman niya 'yon, pinisil niya.

Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon