Happier
He smirked. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil napagtanto ko ang sinabi ko. Masyado bang marahas 'yon? Nagiging mapangahas na ba ako? I have never told anyone how I wanted a better man. Siguro dahil hindi naman ako nagkaroon ng ganitong pagkakataon. Tiningnan ko siya na parang tuwang-tuwa sa sinabi ko. But I can't blame him, it was too obvious who I'm referring to. Ni hindi man lang ako nagpaka-mysterious!
And his smirk... tells me that he knows who I'm talking about.
"Hmm. I think I know who that better man is, baby."
Hinuli niya ang nakatakas kong buhok. He then twirled it gently and tucked it behind my ear. Nang maramdaman ko ang mainit niyang daliri, para akong nakuryente.
Nag-iwas ako ng tingin at iniwasan ang kamay niya. "Alam mo naman pala, bakit ka tumigil?"
Nanlaki ang mga mata niya at napayuko habang nakakulong pa rin ako sa kaniya. I saw his eyes shut tightly. Parang hirap na hirap siya sa mga nangyayari. Napanguso ako nang maamoy ko ang buhok niya. Parang gusto ko tuloy suklayin gamit ang mga daliri ko. It smells good. Amoy bagong ligo.
"I didn't know you could be this aggressive baby." tumunghay siya. I saw how his sleepy eyes became devilish. "But I like it."
He leaned in. Naghanda ako dahil pakiramdam ko hindi na ako mabibitin ngayon. I don't know why but I felt a bit of excitement, even though I'm kinda nervous. I parted my lips to embrace his kiss once more. Kaya lang, muntik na akong mahulog sa lamesa ni Flame nang biglang bumukas ang pintuan ng office niya!
He quickly saved me from falling! Napatili ako nang akala ko'y madadapa ako. Mas lalong umangat ang dress ko dahil doon. I gripped on his biceps just to hide myself on the person that entered the office! Hindi naman dahil nahihiya ako, pero sa hitsura namking dalawa ni Flame... baka iba ang isipin ng tao!
Alam niya na agad ang gusto kong mangyari. He hid me in front of him, nakatalikod sa pumasok. Mabuti na lang at matangkad siyang lalaki at malaki ang katawan kaya natakluban niya ang buong katawan ko.
"S-Sorry, Sir. I forgot-"
Hindi lumingon si Flame. "It's okay. Just put the food on the table. We'll eat."
"O-Okay, Sir."
Narinig ko ang dahan-dahang pagpatong ng pagkain sa tabing table. The assistant tried to peek to see what's going on but Flame's body covered me once again. Nakita kong nahiya ang assistant niya na dumungaw pa siya kaya mabilis na siyang umalis sa opisina.
And then slowly, he distanced himself. Nakahawak pa rin siya sa bewang ko. He looked at me and then down to my dress.
"Ibaba mo ang dress mo, baka iba ang makain ko." he said darkly.
Mabilis kong binaba na 'yon kahit na parang may mainit akong naramdaman. His words! I know what he meant by that! I suddenly felt a little hot because of our encounter. Napalunok na lang ako at iniba ang usapan.
"Ngayon ka pa lang pala kakain." sabi ko.
"Yes, it can feed the both of us." hinawakan niya ang kamay ko. "Let's eat."
Kakain na kami? Ngumuso ako nang papalapit na kami sa lamesa. Hindi ko inaasahang matatapos lang ng gano'n ang... ginagawa namin. I've expected so much. Kaya siguro sobrang init ko pa rin ngayon at kahit na sobrang lamig naman dahil may aircon... pinagpapawisan pa rin ako.
His hands were very hard and rough. Kayang-kaya akong higitin ng mas marahas pero sobrang rahan lang ng pagkakahawak niya sa'kin. Inayos niya ang upuan para makaupo agad ako. Hindi ko mapigilang hindi mapansin ang mga maliliit na gestures na ginagawa niya. I looked at him, mukhang sadyang ganito lang talaga siya pinalaki dahil mukhang hindi naman big deal sa kaniya 'yon.
BINABASA MO ANG
Craving the Thorns (Monforte Series #1) (COMPLETED)
RomanceIn a garden full of roses, how many of us cared for a single thorn? Whenever we glide on every single rose, we hate it when our dress gets caught up by a thorn. But you say it's your favorite? How much pain can you endure by accepting that every sin...
