Nasa kamay ng kanilang lola ang pamamahala sa buong angkan ng mga Lyndon, at si William ang pinakapaburito nitong miyembro ng angkan. Naging maganda rin ang ipinakitang performance ni William dahil mayroon na itong hindi bababa sa 30 million dollars na halaga ng mga ari arian. Kaya siguradong mamasamain ang sinumang babastos o makakaaway nito.“Anong ginagawa mo Mom?” tanong ni Lily habang naglalakad papalapit para awatin ang kaniyang ina.
Kahit na kinaiinisan ni Lily si Darryl, nagawa pa rin nitong ipagtanggol siya at ibangon sa nararamdaman niyang kahihiyan.
Hinawakan ni Darryl ang kaniyang muka kung saan makikita ang namumulang bakas ng kamay ni Samantha. Pero nagpakita pa rin siya ng kaunting ngiti. Matapos ng tatlong taon nilang pagsasama, ito ang unang beses na kampihan siya ni Lily. Tumalikod na lang si Darryl at nakangiting umalis.
“Bumalik ka ritong basura ka!” kahit na nakalayo na siya kay Samantha. Narinig niya pa rin ang malakas nitong sigaw.
Habang pinapanood ng lahat ang kahahantungan ng kaguluhang ito, isang matandang boses ang maririnig hindi kalayuan.
“Ano ang kaguluhang ito?” tanoing ni Grandma Lyndon habang naglalakad papunta sa stage. Agad na natahimik ang maingay na hall nang makita siya ng lahat.
“Sige na, sige na, hindi na kailangan ng ganyang formality. Maupo na kayong lahat.” Ikinaway ni Grandma Lyndon ang kaniyang kamay, at matapos suportahan ng ilang mga tao, dahan dahan siyang umupo sa kaniyang upuan. “Ayon sa mga pinagkakatiwalaan kong mga sources, magkakaroon ng bagong president ang Platinum Corporation ng Donghai City bukas.”
“Woah!”
Agad na uminit ang usapan sa paligid. Mayroong sampung mga advertising company na pagaari ang mga Lyndon. At nitong mga nakaraang taon, ginagawa ng mga Lyndon ang kanilang mga makakaya para magkaroon ng partnership sa pagitan nila at ng Platinum Corporation dahil ito ang pinakamalaking entertainment company sa buong Donghai City. Siguradong magiging stable ang kanilang kita sa sandaling matupad ang partnership na ito.
Pero ang nagmamayari sa Platinum Corporation ay walang iba kundi ang angkan ng Darby na may mababang tingin sa mga Lyndon! Ang bawat isang request para sa partnership ay agad na nirereject ng mga ito. Kaya sa pagupo ng bagong presidente ng kumpanya, kinakailangan muling subukan ng mga Lyndon na lumapit at humiling ng partnership sa mga ito!
“Sinong may gustong makipagusap tungkol sa hiling nating partnership?” Dahan dahang tinanong ni Grandma Lyndon habang tumitingin sa buong hall. “Ang sinumang matagumpay na makikipagpartnership sa Platinum Corporation ay kikilalanin bilang miyembro na may pinakamalaking naiambag sa ating angkan!”
“Ako na lang po!”
“Ako na po ang pupunta lola!”
“Gusto ko rin pong makipagusap sa kanila!”
Nagkandarapa ang lahat sa role na iyon maliban na lang kay Lily. Alam niya na masyado nang mababa ang kaniyang katayuan sa kanilang angkan para mapili sa mga ganitong klase ng gawain.
Matapos makita ang nasasabik na mga tao sa paligid, natutuwang itinango ni grandma Lundon ang kaniyang ulo at ngumiti. Tinuro niya si William at sinabing “William, bakit hindi ka pumunta roon bukas at subukan silang kausapin.”
Nanlaki ang mga mat ani William at nasasabik na tumango.
Magisang umalis si Darryl at sumakay ng taxi pauwi. Kailangan niyang bawiin ang kaniyang tulog kagabi mula sa pagkasabik na kaniyang naramdaman mula noong ibalita sa kaniya ang biglaan niyang pagyaman.
Napakahimbing na natulog ni Darryl noong gabing iyon. At noong kinaumagahan ay agad siyang umalis matapos magalmusal at nagpunta sa Platinum Corporation gamit ang kaniyang scooter.
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Randomsa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...