Si Leo White ang binatang nagpunta rito mula sa Lin City. Dahil sa iniindang cancer ng isa sa kaniyang mga kapamilya, napagpasyahan niyang ibenta na ang kayamanan ng kanilang pamilya para matustusan ang pampagamot nito.
Naroon din ang iba pang mga mayari ng iba’t ibang mga antique store nang marinig ang tungkol dito.
Matapos ipaliwanag ni Peter ang kuwento ni Leo kay Yvonne, ipinakilala na siya nito, “Ito po pala ang aming boss na si Ms. Yvonne.”
Tapat namang tumango si Leo at sinabing, “Kinakailangan ko nang magpunta sa ibang antique store sa sandaling hindi makapagdecide ang babaeng boss ninyo.”
Matapos niyang sabihin ito, binuksan na ni Leo ang hawak niyang box.
Makikita sa loob ng box ang isang kulay dugong pendant na gawa sa jade.
Mayroon ding mga nakaukot ditong mga antique design habang bilugan at moist naman ang itsura ng jade. Ang pinakamapapansing katangian ng hawak nitong antique ay ang kulay pulang pattern na parang isang punit sa loob.
Hindi na nakapagpigil pa sa pagsasalita si Yvonne nang makita niya ito. “Blood Tear Jade?”
Napahinga naman ng malalim ang iba pang mga mayari ng iba’t ibang mga antique stores at namangha sa kanilang narinig.
“Hoy, isa talaga itong blood tear jade.”
“Tingnan mo ang kulay nito, siguradong isa itong top quality na antique.”
Nagusap usap ang mga mayari ng ibang mga antique store at namangha lalo sa kayamanang dala ng binata. Nakaramdam naman ng proudness si Leo sa kaniyang dibdib habang tumatango kay Yvonne. At pagkatapos sinabi ng binata na, “Ikaw nga talaga ang babaeng boss dito. Agad mong nakilala ang blood tear jade sa unang tingin mo pa lang dito. Nakita mo ba ang mga nakaukit na salita rito? Pagmamayari ito noon ng Eastern Jin Dynasty.”
Ang blood tear jade at isang uri ng mga sinaunang jade. Nabubuo ang blood tear jade sa pamamagitan ng paghahalo sa mga dugo ng kanilang mga ninuno. Ang partikular na uri ng jade na itong may parang hugis luhang pattern sa loob ay kilala sa tawag na blood tear jade.
Kaya napakarare nito para sa mga kolektor ng antiques.
Naging emosyonal ang mga mayari ng iba pang mga antique store nang marinig ang mga sumunod na sinabi ni Leo.
“Nagmula talaga ito sa Eastern Jin Dynasty!”
“Oo nga, tingnan mo ang nakaukit na salita rito. Siguradong nagmula ito sa era na iyon.”
Tinanong ni Yvonne si Leo, isang sandali, matapos mamangha sa hawak nitong kamayanan. “Magkano naman ang gusto mong maging kapalit nito?”
Kahit ito pa lang ang unang beses na makakita ni Yvonne ng isang Blood Tear Jade, marami na siyang mga nabasang mga pagaaral tungkol sa mga blood jade. At katulad ng mga nabasa niyang jade ang hawak na jade ni Leo kaya nakasiguro si Yvonne na totoo ang hawak nitong blood tear jade.
Matapos marinig ang usapan ng ibang mga mayari ng antique store, mas naging sigurado pa si Yvonne sa kaniyang mga naisip.
Pero nang tanungin na ni Yvonne si Leo tungkol sa magiging presyo nito, tahimik na iniling ni Darryl ang kaniyang ulo.
Maaari ngang hindi alam ng iba ang tungkol sa blood jade, pero expert na pagdating dito si Darryl. Mayroong blood tear jade ang lolo niya noon na siyang ipinapalaro sa kaniya noong maliit pa lang siya. Kaya agad niyang nalaman sa unang tingin na peke ang hawak na jade ni Leo.
Nagawa talaga ng binatang ito na lokohin ang pamilya Young.
Masyado pang bata at kulang sa karanasan si Yvonne. Kaya natural lang na hindi niya rin makita kung peke ba ito o hindi. Pero nagawa ring sumangayon ng mga may ari ng iba pang mga antique store sa naging desisyon niya hindi ba? Mukhang nadala lang ang mga ito sa naging usapan nina Leo at Yvonne. Nakakahiya talaga ito kung tutuosin.
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Randomsa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...