kabanata 136-140

453 2 0
                                    

Kabanata 136
“Nakakahiya ka, hindi mo ba alam na tinatawag ka ng lahat bilang nakikitira kong asawa?” Nagblush dito si Lily, pero dali dali rin siyang humingi ng pasensya matapos nito, “Pasensya na, hindi ito ang ibig kong sabihin.”

Hindi naman nagpaapekto rito si Darryl. “Walang problema, wala rin naman akong pakialam sa sinasabi ng iba sa akin. Ikaw din ang asawa ko kaya sa mga sasabihin mo lang ako maapektuhan.”

Ngumiti si Lily at agad na hinila si Darryl para magshopping.

Gustong gusto na niyang bilhan si Darryl ng isang magarang suit. Pero, sa tatlong taon nilang pagsasama bilang magasawa, nasanay na si Darryl sa pagsusuot ng mga mumurahin at hindi branded na mga damit. Napakakumportable ng kaniyang nararamdaman sa pagsusuot ng mga ito. Kaya matapos ang mahabang pakikipagnegosasyon, bumili si Darryl ng dalawang set ng mga branded ng damit pang alis.

Magbabayad n asana si Darryl sa cashier matapos isukat ang mga damit nang pigilan siya ni Lily.

“Hindi pa kita nabibilhan ng kahit na ano sa tatlong taon nating pagsasama. Hayaan mong ako ang magbayad nito para sa iyo. Hindi ba’t gusto mong ibili rin kita ng mga damit kanina?” Ngiti ni Lily.

Naantig ang puso ni Darryl sa mga sinabing ito ni Lily. Hindi na niya ito pinigilan pa at hinayaang bayaran ni Lily ang bill.

Kinabukasan, nagpadala ang pamilya Hough ng mga sasakyan para sunduin ang pamilya.

Kilalang kilala ang pamilya Hough sa Donghai City. Nagpadala ang mga ito ng higit sa sampung mga Business-class Mercedes para sunduin ang pamilya. Malinis na pumarada ang mga ito sa tabi ng kalsada na nagbigay ng napakaglamorosong tanawin.

Napakaganda ng naging itsura ni Lily sa fitted niyang asul na jeans, puting blouse at stilettos. Napakaattractive din ng mahaba niyang mga legs kaya hindi napigilan ng driver na tingnan ang mga ito habang sumasakay si Lily sa sasakyan.

Matapos ang ilang oras, nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon, ang Dragon Rising Lake.

Kilala ang Dragon Rising Lake bilang Gallery Twenty na isang pribadong tourist spot na may napakagandang tanawin. At dahil isa itong private property, hindi pinapayagan ang publiko na makapasok dito.

Pero sa totoo lang, hindi ito isang lawa kundi isang lugar sa tabi ng dagat. Tanging mga mayayaman at kilalang tao lang ang maaaring magbakasyon dito para umupo sa beach at magsunbathing sa ilalim ng naglalakihang mga paying. Napakarelaxing nito para sa kanila.

Naroroon na ang ibang mga pamilya nang makarating sila sa reception area. Ipinadala ng karamihan ng mga pamilya ang mga nakababata nilang miyembro sa outing. Ang mga nakababatang miyembro kasi ang susunod na mamamahala sa kanikanilang mga pamilya kaya mas maigi nang iexpose sila sa ganitong mga okasyon habang bata pa ang mga ito.

Nang makarating sina Darryl, nakita nila ang isang grupo ng mga taong nakaupo sa ilalim ng isang kubo, masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang mga ito.

Makikita rin ang ilang mga pamilyar na mukha sa mga ito.

Ito ay sina William at Elsa n amula sa pamilya Lyndon at Zayler mula sa pamilya White.

Napatigil ang mga ito sa kanilang kuwentuhan para batiin sina Darryl at Lily nang makita nilang papalapit ang mga ito.

Hindi maiwasang mapatitig ng ilang mga lalaki kay Lily.

Napakaganda kasi talaga ni Lily na parang isang diyosa.

Walang kaduda duda na napakaattractive at elegante ng itsura ni Lily noong araw na iyon.

Kahit na hindi isang nangungunang pamilya ang pamilya Lyndon, nagkaroon pa rin ito ng nagagandahang mga miyembro. Sina Elsa at Lily ay may kaniya kaniyang uri ng kagandahan.
Agad na nagpakita si William ng isang nanlalamig na ngiti. Kahit mas mataas na ang katayuan ngayon ni Lily sa kanilang pamilya, nararamdaman pa rin niya na walang kuwenta si Darryl at isa pa ring nakikitira nilang manugang.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now