Kabanata 89
Tumayo nang diretso si Kent habang iniisip kung gaano siya kaguwapo habang sinasabing, "President Woodall, ikinagagalako kong ma-"Natigilan si Kent sa kaniyang nakita. Hindi manlang siya pinansin ni Wayne na direktang naglalakad papunta kay Darryl.
"Napatawag po kayo Mr. Darby, ano pong maitutulong ko sa inyo?"
Ano? Mr. Darbu? Nagawang bigyan ng honorific ni Wayne Woodall ang walang kuwentang manugang na ito ng mga Lyndon?
Napanganga at naguluhan ang lahat sa kanilang narinig. Paano naging posible para sa isang talunang kagaya ni Darryl na maging kakilala ngisang taong kagaya ni Wayne Woodall?
Habang nasa gitna pa ng kanikanilang pagkagulat ang lahat, dahan dahang ngumiti si Darryl at tumango kay Wayne. "Wala naman, gusto lang kitang makita." Sabi ni Darryl.
"Masyado ka talagang mabait Mr. Darby!" Masunuring tumawa si Wayne kay Darryl. Tiningnan niya ang paligid at agad na naintindihan ang sitwasyon bago muling magpatuloy sa kaniyang pagsasalita, "Sinabi niyo po sanang pupunta pala kayo ngayon dito Mr. Darby nang makapaghanda po sana kami para sa inyong pagdating."Matapos nito, agad na kumaway si Wayne sa waiter at sinabing "Sabihan mo ang manager mo na iwaive ang bill sa box na ito."
Ano? Libre ang lahat? Nagulat nang husto si Kent maging ang kaniyang mga kasama. Mas lalo pang naging kumplikado ang kanilang pakiramdam kay Darryl. Paano nagawa ng lalaking ito na kunin ang respeto ng isang taong kagaya ni Wayne Woodall?
Noong palabas na ang waiter, tumayo si Darryl at sinabing, "Huwag ka nang magabala pa! Dapat ninyong singilin ang nagastos ng box na ito hanggang sa huling sentimo. Hindi naman ako ang sumagot dito at wala rin naman akong halos nakain na kahit ano. Hindi rin naman nagkulang sa pera ang mga taong naririto ngayon."
Sumagot naman si Wayne ng pagkaway na nagpaalis sa nagaantay na waiter.
"Iyon lang naman. Dapat na rin akong umalis. Kaya maenjoy lang kayo rito.," Pinaalis ni Darryl si Wayne sa loob lang ng isang kaway. Nagkaroon ng matinding epekto sa lahat ang pagpapakita ni Wayne sa box na ito.
Mukhang naramdaman na ni Wayne ang nangyayari sa kaniyang paligid kaya mabilis niyang idinagdag na "Sabihin niyo lang po sa akin kung mayroon pa kayong kailangan na kahit na ano sa akin, Mr. Darby. Susubukan ko po itong gawin sa abot ng aking makakaya."
Dito na tumingin si Wayne sa kaniyang paligid. At nang makita niya na walang sinuman sa mga ito ang tumingin ang direkta sa kaniyang mata, tumalikod na siya at umalis sa dinig area na iyon.
Masyadong naging malakas ang presensya ni Wayne kaya nang umalis na siya sa box, agad na naramdaman ng lahat ang pagrerelax ng hangin sa paligid. Tumawa naman dito bahagya si Darryl at umalis sa dining area.
Tumingin si Kent at ang kaniyang mga kasama sa isa't isa, hindi nila nagawang kumalma nang napakatakagal. At matapos ang kalahating oras ay nakabalik na ang mga ito sa realidad. Kahit na mag kaunti pa ring pagkagulat na natitira sa kanilang mga dibdib, nagsalita ang isa sa kanila na nagasabing, "Grabe, magkakilalang magkakilala nga talaga ang lalaking iyon at si Wayne Woodall!""Magkakilalang magkakilala? Siguradong higit pa roon ang koneksyon nilang dalawa! Nakita niyo ba kung ano ang naging trato ni Wayne Woodall kay Darryl kanina? Siguradong mayroon silang espesyal na relasyon sa isa't isa."
"Kakaiba lang ito dahil hindi ba't isa lang nakikitirang manugang anglalaking iyon?" Nagsimula na silang magusap usap tungkol sa mga nangyari habang nakaramdam naman ng pagsisisi ang mga babaeng kasama ng mga ito. Sino nga ba ang magaakala na ganito kalakas ang mga kuneksyon ng nakikitirang manugang na iyon ng mga Lyndon! Siguradong hindi na nila ito kukutiyain nang ganoon kung nalaman nila ang tungkol dito nang mas maaga.
Nagsimula na sa pagkalma ang namumutlang si Kent. At nang marinig ang usapan ng kaniyang mga kasama ay naiinis itong suminghal ng "Anong espesyal na relasyon? Wala talaga kayong alam na kahit ano. Ipapaalam ko lang sa inyo na mayroong partnership si Wayne Woodall at ang mga Lyndon. Narinig ko na personal na nagpunta si Wayne sa kaarawan ng nakatatandang Lyndon para lang bigyan ito ng isang regalo. Kaya kung naging ganoon kagalang si Wayne sa lalaking iyon, siguradong dahil ito sa kuneksiyon ng nakatatandang Lyndon! At kung hindi lang siya manugang ng mga Lyndon, siguradong hinding hindi siya papansinin ni Wayne!" Singhal ni Kent.
Dahil dito naisip ng lahat na may punto ang mga sinabi ni Kent. Pero mas dumilim pa sa mga sandaling ito ang itsura ni Kent. "Magaling ka Darryl Darby. Halos matulala ako sa ginawa mong iyon kanina. Ginamit mo ang koneksyon ng mga Lyndon para pataaasin ang pagkatao mo sa amin, napakakapal ng mukha mo!" Isip ni Kent.
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Acaksa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...