Nakasuot ng isang suit at mga sapatos na gawa sa leather ang may manners na lalaking kasama ni Lily.
Nagmukhang hindi kumportable ang itsura ni Lily habang pinipilit na ngumiti. Pero tumayo pa rin siya sa tabi ng lalaki na kaniyang kasama.
Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Charles Like, at para kay Samantha, ito na ang pinakagusto niyang maging manugang sa lahat ng mga kasalukuyang nanliligaw sa kaniyang anak.
Hindi na mabilang sa dami ang mga manliligaw ni Lily, pero si Charles pa rin ang pinakagusto ni Samantha sa mga ito para sa kaniyang anak. Hindi lang dahil sa mukha itong matalino, kundi dahil sa pagiging manager ni Charles sa Audi Corporation. Siya ang Regional Manager ng Audi sa Donghai City, bagay na bagay talaga sila ng anak niyang si Lily hindi kagaya ni Darryl na mukhang low class sa mata ng lahat.
“Manager Luke.”
Sa mga sandaling iyon, mabilis na pumunta nang nakangiti sa manager ang babaeng kausap ni Darryl at buong puso itong binati.
Mukhang naiinis na kanina ang mukha ng babae nang makita niya si Darryl, pero ngayon, naging kabaliktaran na nito ang naging itsura ng kaniyang mukha.
Tumango si Charles at nagtanong, “Dumating na ba ang presidente ng Platinum Corporation?”
Mabilis namang sumagot ang babae ng, “Hindi pa po. Kanina pa po ako naghihintay sa main loob pero kanina pa po walang sasakyan na humihinto sa harap.”
Hindi na nagtanong pa si Charles, tumingin ito pababa kay Lily at nakangiting sinabi na. “Sa loob na lang tayo ng opisina maghintay.”
Kasalukuyang distracted ang isip ni Lily sa mga sandaling ito kaya pabulong na lang siyang sumagot kay Charles. Kahit na gustong gusto ni Samantha na maging manugang si Charles, hindi pa rin gusto ni Lily na makipagusap manlang dito. At hindi rin siya nagpunta nang kasama nito sa Regional Office ng Audi para makipagdate.
Nasabi ni Chales na kilala niya ang presidente ng Platinum Corporation.
At matagal na ring gusto ni Lily na makaharap ang presidente ng Platinum Corporation dahil nasabi ng presidente nito na tanging si Lily lang ang kakausapin nila na nagmula sa pamilya Lyndon.
Pero lingid sa kaalaman ni Lily, hindi talaga kilala ni Charles ang presidente ng Platinum Corporation!
Nitong nakaraan, nagkaroon ng collaboration ang Audi at Platinum Corporation para maging sponsor ng programang “Superstar”. Si Charles ang ginawang kinatawan ng Audi para sa pagpirma ng kontrata nila ng Platinum Corporation kaya natural lang na makita ni Charles ang presidente nito. Ipinagyabang din ni Charles kay Lily kung gaano na kalawak ang kaniyang mga koneksyon kaya nagawa niyang isama ito para magyabang at pataasin ang kaniyang katayuan sa harap ni Lily.
Sa mga sandaling iyon, ngumiti si Darryl at naglakad palapit sa kinatatayuan nila Charles.
Si Manager like? SInabihan siya ng Audi Corporation na si Manager Luke ang kanilang kinatawan sa magiging collaboration nila ng Platinum Corporation.
Nang makita nang babaeng receptionist ang paglapit ni Darryl, sumimangot ito at naiinis na sianbing, “Hoy! Bakit nandito ka pa rin?“
Tumitig si Charles kay Darryl at agad na naramdamang gusto lang magpasikat ng talunang ito kaya naisip nitong lumapit sa kanila, kaya wala na siyang naging pakialam sa anumang intension nito. Sinabi na lang niya sa babaeng receptionist na “Huwag na huwag kang magpapapasok ng mga taong walang importansya sa sandaling dumating ang presidente ng Platinum Corporation, naiintindihan mo? Paano na lang kung madumihan ng mga kagaya niyan ang sasakyan ng presidente?”
Mabilis namang sumagot ang babae ng, “Opo, opo Manager Luke. Paaalisin ko na po siya ngayon.” At pagkatapos ay direktang sinabi ng babae kay Darryl na. “Umalis ka na rito ngayundin Mister.”
Hindi siya pinansin ni Darryl na kasalukuyang itinititig ang kaniyang mga mata kay Lily.
![](https://img.wattpad.com/cover/342657227-288-k444102.jpg)
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Randomsa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...